Thursday, August 11, 2011

Side Story... Boss [1]

Dalawang buwan matapos akong grumadweyt sa kursong Bachelor of Science in Computer Science, nakapasok naman agad ako sa kumpanyang pinag-apprentice-san ko. Siguro my boss had faith in my critical thinking lang siguro. Hehehehe. Ano bang ibig sabihin ng critical thinking? Muntik-muntikan ng mabuwang? Hehehehe. joke yon? Hahaahahaha.... Bale, ako ang unang programmer sa company. Di pala biro kung nagtatrabaho ka na kasi hindi naman pala lahat tinuturo sa school. Whew. Pero pasasaan din naman at matututo ka rin, di ba?

Minsan ang asawa ng kapatid ng boss ko, bumisita sa petite and pink namin na office. Habang busy-busyhan ako sa paggawa ng desktop application habang tumutulo ang pawis dahil nangangapa pa sa real world, chika-chika naman si Sir Boss sa dalawa kong ka-officemates na babae na may mga asawa na at nagko-contest sa padamihan ng mantika sa katawan. Hehehehe. Ang bait pala ni Sir Boss. Nagpabili sya ng durian at todong kain naming lahat. Medyo mahal pa kasi noon ang durian. At mabibili nya ng mura ang durian sa sister company ng pinagtatrabahuan ko kasi may durian farm sila. Aside sa fresh durian at frozen durian na premira klase talaga, meron pang super creamy durian yema na dagdag. Di ba, todong durian party kami... Kaya nga lang, dahan dahan lang kami sa pagkain ng durian kasi sa mga medyo may edad, nakakataas ng presyon din yon. 


(yummy ang model ng hugo boss kaya yan nilagay kong pix.. hehehe.. walang kokontra!!!)

Si Sir Boss, siguro 15 years older than me. Pero hindi mo mapagkamalang 15 years older sya sa akin kasi naman balidoso si Sir Boss. Athletic. Palaging naglalaro ng badminton [as in magaling sa bedminton este badminton pala ;-)]. Swimming fanatic. Magaling mag-piano. Magaling kumanta. Malinis magdamit. Mabango (inamoy talaga... hahahahaha... naaamoy ko lang kasi dumadaan sya sa tabi ko. kasi naman ang liit ng pink namin na office no.) 

Not once, not twice, but many times din na dumadaan sa office namin si Sir Boss. And not once, not twice but many times din syang nanglibre sa amin. Di ba super bait? Ano pang hahanapin mo sa Sir Boss mo na asawa ng kapatid ng totoong boss mo?

Sa di katagalan, nahahalata ng mga tsismosa kong mga ka-officemates na palaging nadaan si Sir Boss sa opisina namin at napadalas manglibre. At syempre, nagdududa at di maiwasang maghaka-haka ang mga tsismosang katsismisan ko na......

get this......

"type daw ako ni Sir Boss"........ 

as in Whoaaatttt!!!!!.... shock akeiwa [natutunan ko yan sa blog ni Baklang Maton... hahahaha]

At doon ko nalaman na nagpipinta pala using black and white shades si Sir Boss upang maitago ang rainbow colors nya....


See Also:
Side Story... Boss [2]
Side Story... Boss [3]
Side Story... Boss [4]
Side Story... Boss [Conclusion]

No comments:

Post a Comment