Tuesday, August 23, 2011

Discipline...

Pix Source: Alex Hughes Cartoons


Heto, sumasakit ang ulo ko dahil sa sobrang tulog... haayyy...

Pero kaninang umaga, nagising ako dahil sa ingay ng kapitbahay (not the mag-asawang nag-away). Ito yong kapitbahay ko na palaging nakikipagdiskusyon sa mga nakakalaban nya in an abogado way. Though may punto naman sya pero ang dating or ang pinalalabas nya e "'i'm the superior and kayo ang mga idiots"... hehehe

Pero hindi ang mga hakot boys ang kalaban nya kanina. Pinagagalitan nya ang kanyang anak.
Feeling Abogado: Alam mo ba ang ginagawa mo doon sa labas. Sigaw ka ng sigaw!!!
Anak: huhuhuhu
Feeling Abogado: Sige sumigaw ka!!!
Anak: Aaaaaa... huhuhuhuhu
Feeling Abogado: Sigaw ka pang litse ka!!!!
Anak: Aaaaaa.. huhuhuhu.
Tsk.. tsk.. tsk... eto talagang si amang feeling abogado... pinapagalitan nya ang anak nya dahil sumisigaw sa labas pero ang ginagawa nya naman, sya itong mas malakas ang boses at pinasisigaw pa ang anak as punishment... kawawang bata.

At heto pa, sumali ang asawa.

Asawa: Ano ba yan?!! (medyo pasigaw din)
Feeling Abogado: Etong anak mo nagsisisigaw sa labas, hindi mo man lang madisiplina!!!
Asawa: Paano ko yan mabantayan, e nagluluto ako!!!

Kaya ang sabi ng ina sa mga anak:
"Mga putang-ina ninyo!!! Wag na wag mayong mapunta sa computer ngayong araw!!!!"
.
.
.
.
Tsk.. tsk.. tsk... minumura mo ba ang sarili mo teh?


Kahit medyo inis, natulog na lang ako ulit... haaysst...



1 comment: