Saturday, August 13, 2011

Salawal...

Sobrang apektado talaga ako sa ka-emo-han ko kaninang madaling araw. Na hangang kaninang mga 10pm ramdam ko pa rin ang bigat ng loob. Hehehehe. kaya para makabawi, may kwento ako... na totoong nangyari.. pero hindi sa akin....

Di ba uso ngayon ang mga disgrasya? Halos araw-araw na ginawa ng Dyos, juice ko, puro disgrasya ang kasabay mo sa hapunan.

kaya ito na ang kwento na mapupulutan nyo ng aral....

May dati akong kaopismeyt na pag nag-oopis, laging dala ang kanyang vintage car na volkswagen na matagal mag start at kung minsan pa ay itutulak pa namin bago umandar. Palibhasa nasa probinsya at na kahit city na ay okey lang magdala ng ganong sasakyan.

Dumating sa buhay nya ang hindi inaasahang aksidente. Habang binabaybay nya ang kahabaan ng national highway, may nag-overtake na tricycle sa kanya. Na deritso naman kumanan kasi may nakitang naghihintay na pasahero. Ang kinalabasan, nasagi nya ang tricycle at sabay silang nagpasirko-sirko sa daan.

Yupi ang gulong ng tricycle at hindi na rin ma-drawing ang pagong. Dalawa sa pasahero ng tricycle ay nasugatan at ang isa pa ay nawalan ng malay. Ito namang kaopismeyt ko, duguan. May malaking sugat sa noo at may bali pa ang paa. Medyo matagal ding dumating ang tulong kasi naman alam naman natin kung gaano kabilis rumisponde ang mga pulis di ba.

Kaya ayon, matapos ang matagal na paghihintay, sakay sa police car, dinala na sa pinakamalapit na hospital ang opismeyt ko.

Pagdating sa emergency room, agad naman syang inatupag ng mga nurses. Inuna ang sugatang noo. Tapos, tiningnan ang extent ng bali sa duguang paa. Para mapadali, ginupit na lang ang suot nyang pantalon. Nang hindi pa makuntento ang nurse, kelangan nya pa talagang hubarin ang natirang pantalon.

Kahit agaw-malay na ang opismeyt ko ay pilit nyang pinigilan ang nurse na hwag hubarin ang pantalon nya. At dahil wala na syang lakas, nagwagi ang nurse. (parang bonong-braso lang... hehehehe) Kaya ang ginawa nya na lang ay pumikit at inisip nya na bahala na si batman.

.
.
.

Kaya pala ayaw nyang mahubad ang pantalon nya, kasi nahihiya syang makita ang luma nyang brief na color yellow.

Na dati palang puti.............. :) toinkzzzzz

.
.
.
.

Kaya matapos kong marinig ang kwento nya, ang sinusuot kong salawal araw araw ay presentable na talaga. Pinapangtulog ko na lang ang mga bacon kong mga briefs... hehehehe.. pero wait, baka madisgrasya ako habang natutulog.... hmmmmm.... dapat bagong brief na rin ang gagamitin ko kung matutulog... hehehehe....


No comments:

Post a Comment