Thursday, July 14, 2011

And so it happened...

I could really say na "this is it". We really did handled our relationship so fine. Umabot na nga sa punto na sa pamilya ko na sya nag si-celebrate ng Christmas at New Year.

Everything was so perfect.... but then...





..... after Wilson, everything was so perfect for us (Dennis). Perfect in the sense na wala nang pumagitna pa sa amin. Marami kaming pinagdaanan na adventures. Naranasan naming mabaha na abot leeg. First time kung nakaranas ng baha, pinagalitan nya pa nga ako kasi ang saya-saya ko pa daw dahil binaha kami. Hehehehe. Pero grabeng kati din yon sa katawan. Halos inubos ko na ang isang bar ng safeguard at isang bote ng alcohol pero napakakati pa rin. Hehehehe.




May mga konting selos din naman. Ako nagseselos don sa teenager na lalaki na palaging dikit ng dikit sa kanya. Hehehehe. Sya naman pinagselosan nya yong bestfriend ko sa elementary na matagal ko nang di nakita. Nauso na kasi ang text noon at nakikitext lang ako sa celphone nya kasi hindi ko pa afford magka celphone that time. Away kung minsan na kadalasang nauuwi sa alam nyo na... hehehehe...




Pero kahit anong ingat mo sa inyong pagmamahalan kung may darating na dagok, kelangan nyo talagang mamili. At sa panahong iyon, kahit na mahigit 6 na taon na kami, at sobra 2 taong nagsama, pinili ko ang sa alam ko na tama....




Nakabuntis sya. Hindi ko alam kung kelan sya nakalusot sa akin kasi palagi nga kaming magkasama. Siguro sa mga panahon na nasa opisina ako or mga time na umuuwi ako sa probinsya. Sabi nya nilasing daw sya at di nya na alam kung ano ang nangyari. Sabi pa nya baka hindi daw kanya ang pinagdadalang-tao ng bwisit na babaeng yon. Hindi ko pa nga nakita ang babaeng yon.




Alam nyo yong feeling na tumatawa ka at bigla kang sinampal? Yon ang naramdaman ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Sabi ko sa sarili ko na kaya ko yon... pagsubok lang yon sa amin...




Hindi ko na maalala kung humingi sya ng sorry. Pero ang mas masakit, pumupunta na ang babae sa tinutuluyan namin at doon na natutulog. Ang alam kasi ng babae, magpinsan kami. Damn. Parang ang sakit isipin na hindi na ikaw ang katabi nya sa kamang saksi ng inyong pagmamahalan. Na doon na ako humihiga sa extrang kama na ginagamit naming props (na pinapalabas naming doon ako natutulog). Pilit kong nilabanan ang selos dahil ayaw kong masira sya. Pinipilit kong makatulog. Nakapikit nga pero basa naman ang unan. Hindi ko alam kung bakit nagpaka martyr ako sa time na yon. Gusto kung maging rude sa babae nya pero pinipigilan ko ang sarili ko.




Kinausap ako ni Dennis kung pananagutan ba nya ang babae o hindi. Kahit anong sakit ang idinulot noon sa akin, ako na mismo ang nagdesisyon na kailangan nyang panagutan ang mga nagawa nya. I cannot go on living a life na masaya nga ako pero may matatapakan namang ibang tao. Ok lang na masira sana ang buhay ng lintik na babaeng yon, pero hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung madadamay pa ang walang malay na bunga ng kanilang kataksilan.




Masakit man pero alam kong makakaya ko rin yon. Pero hindi naging madali. Nag desisyon na akong bumukod. Dahil habang paulit-ulit na nakikita ko ang babae, paulit-ulit din at mas grabe ang sakit na nararamdaman ko. Iniisip ko pa lang na hindi na kami magsasama, naghina na ako. Kaya sa panahong umalis ako ng bahay, nakiusap ako sa kanya na sana wala sya doon.




Pero bago ako umalis, pinag-usapan namin kung ano ang magiging status namin. Kung sya magdesisyon, hindi nya raw kayang mawala ako sa buhay nya. Pero sana naisip nya na yon bago pa man sya gumawa ng mga bagay sa pagsisihan nya sa huli. Ako ang nag desisyon na putulin na namin kung anong meron kami that time. Dahil ayokong maging kabit na kung tutuusin ako naman ang nauna sa buhay nya. Dahil ayokong dumating ang panahon na maghihintay ako sa wala. Dahil kahit kaunti, may natitira pang pagmamahal para ang sarili ko.




Bago kami tuluyang naghiwalay, nakiusap sya na kung pwede ba daw akong maging bestman nya. Walanghiya, gusto pa atang makitang nasasaktan ako. Hahay. Pero umayaw ako. Pabiro kong sinabi na gawin nya na lang akong ninong sa kasal nya.




At tuluyan na nga kaming naghiwalay. Nagparaya ako pero hindi pala ganun kadali. Sa susunod na post ko na lang isalaysay ang withdrawal syndrome namin... :(




Sya nga pala, tinutoo ng mokong na gawin akong ninong sa kasal nila. Umattend din ako sa kasal pero lahat ng yon ay pawang palabas lamang. Masakit man pero pilit kong tinanggap na hanggang doon na lang kami...

2 comments:

  1. @Seriously Funny - ganon talaga ang buhay... pero ok lang... this experience made me a stronger person...

    ReplyDelete