Wednesday, July 13, 2011

No Strings Attached...

4th year college. Busy-busyhan sa mga major subject. Dami naming projects noon. E dahil nga kelangan naming magtrabaho sa thesis at mga group projects, nagkasundo ang magbabarkada na titira na lang kami sa iisang bahay nang hindi kami mahirapan. 8 kami sa grupo. Nag rent kami ng isang housing unit na tapat din ng housing unit ng ibang grupo.

Syempre, nandoon na ang inuman, harutan, kantahan (favorite songs pa namin mga spice girls song [true color talaga... hehehe]), kainan, puyatan at iba't ibang kalokohan.

Si Wilson... isa sa mga kaibigan ko. Tahimik na bata. Sabay sa sa tawanan pero tagatawa lang. Minsan lang kasi nagsasalita. Pero pag bumitiw ng punch line, siguradong sapul. Maituturing ko rin syang tunay na kaibigan kasi minsan inako nya ang kasalanan ko... hehehehe... nasira ko ang motorcycle nila pero pinalabas nya sa parents nya na siya ang nakasira... hehehehehe...

Dahil nga sa project, hindi maiwasan na magtabitabing matulog ang magbabarkada matapos magpuyat sa ginagawang project. Halo na ang mga babae at lalaki. At nagkataon na nagkatabi kami ni Wilson. At dahil dapat mas unahin ang mga babae sa kumot at unan, isang unan at isang kumot na lang ang natira para sa aming dalawa ni Wilson. So ok lang. Wala naman malisya, pero ewan at bakit naisipan kong idantay ang paa ko sa kanyang harapan. Doon na nagsimula ang krimen. Sa ilalim ng kumot nangyari ang hawakan at kung anu-ano pa.

Na guilty ako don. Isipin mo committed ako kay Dennis at heto ako ngayon nakikipag-fencing kay Wilson. Whew. First time ni Wilson na mangyari sa kanya yon. Kinaumagahan, deadma lang. Pero parang pagod na pagod ako kasi wala masyadong tulog kasi nga may ginawang milagro. Hehehehehehe...

Hindi lang once or twice nangyari yon. Hanggang sa humanap talaga nang paraan na kami na lang dalawa ng malaya naming magawa ang gusto naming gawin. Minsan pinag usapan namin kung ano ang meron kami, at napagkasunduan namin na "libog" lang yon. Na "no strings attached". Ok naman sa akin kasi nga meron akong Dennis di ba.

Pero sadya atang matalas ang pang-amoy ng partner mo sa mga ganitong bagay. Nagsusupetsa na si Dennis. Nagseselos sa barkada dahil palagi nga kaming magkasama lalung-lalo na kay Wilson.

Minsan kung nakapag-midnight snack kami ni Wilson doon sa bahay na pinagtatrabahuan namin, para hindi halata, dapat mag-breakfast ako kay Dennis. Hehehehe... Ubosan na ng lakas. Hehehehe. Minsan pag-uwi ko, at sumaglit sa bahay ni Dennis, nakitaan nya ako ng natuyong talsik ng tamod sa may balikat ko... hahahaha. Deny to death ako ngayon. Sabi ko laway lang. Ayaw nyang maniwala pero wala syang magawa kasi hindi ko talaga aaminin.

Sa mga panahong iyon, madalas kong maabutan si Dennis na umiiyak. Tinatanong ko kung anong problema nya. Yayakapin nya lang ako sabay sabi na huwag ko daw syang iiwan. Hayyy... Guilty ako na hindi dahil nga hindi naman kami committed ni Wilson di ba... Hanggang fencing lang kami...

Sa hindi katagalan, alam kong unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Wilson sa akin. Pero dahil nga napag-usapan namin na "libog" lang kung bakit namin ginagawa yon, we never talked about it na lang. Ako naman, hindi naman rude ako pero parang hindi siguro mahuhulog ng tuluyan ang loob ko kay Wilson. Kumbaga, he has the looks but he don't have the bones in any decision making. Turn-off kasi sa akin yon. Gusto ko yong hindi ako palagi ang magdi-decide kung ano at alin. Nahahalata na rin ng mga kaibigan namin ang extra closeness namin ni Wilson. Pero tinatawanan lang naming dalawa para naman hindi ma-affirm sa kanila na may monkey-business kaming dalawa.

We graduated from college and started to have work. Dahil after graduation nagsama na nga kami ni Dennis, natapos rin ang fencing session namin ni Wilson. Pero andyan pa rin sya. Ewan ko ba kung anong nangyari at naging close si Dennis at Wilson. Kaloka. Ako na naman ngayon ang nagseselos. May sabay silang mag jogging at kung anu-ano pa. Nagkalabuan kami ni Wilson. Hindi ko na sya pinapansin dahil nga nagseselos ako sa kanila. Hindi ko naman sya matanong kung merong namamagitan sa kanila ni Dennis dahil hindi rin naman alam ni Wilson na kami ni Dennis. Hirap di ba? I initiated a cold war with him. Nagtaka ang iba naming kaibigan kung bakit hindi ko pinapansin si Wilson.

Pero ang hindi ko maintindihan sa mga pangyayari, e kung bakit ni-record ni Wilson ang usapan nila ni Dennis sa phone. At pinarinig sa iba naming kaibigan. Hindi ko na narinig ang tape kasi ayaw kung pakinggan. Nagbubulag-bulagan na lang ako. Hindi ko na tinanong si Dennis kung ano yon.

Parang nalagay ako sa sitwasyon na wala akong karapatang magreklamo dahil alam ko sa sarili ko na nagkasala din ako kay Dennis. Pilit ko na lang tinatakpan ang tenga ko ang nilululon ko na lang ang pride ko dahil alam ko na resulta lang iyon ng mga ginawa ko dati.

Di nagtagal, lumuwas ng manila si Wilson upang makipag sapalaran... ngunit hindi doon nagwakas ang istorya naming dalawa....

No comments:

Post a Comment