Tuesday, July 19, 2011

Paninindigan...

4th Year Highschool enrolment...

Busy ang lahat. Busy rin ako. After ko enrol, nag facilitate rin ako sa enrolment ng CAT. Officer kuno kasi ako. Dahil hindi katangkaran, ginawa lang akong platoon leader. Pero ok lang naman. Highest naman ako sa tactical exams... Hehehehe [*yabang mode*]

At para sa hindi pa cleared sa mga previous years na obligation, busy rin ako sa pagpirma ng mga clearance bago pirmahan ng department head ng curriculum namin. I was the president kasi sa klase nong 3rd year hs ako.

Lumapit ang classmate kong si Darius sa akin. Magpa-initials ng clearance nya. Itong si Darius naging friend ko na rin dahil sa loko-loko at sikat sa classroom namin dahil sa pagbitiw ng mga english na wala sa tono [hehehehe], palagi ring pinagbibilin ng nanay nya sa akin na pakopyahin ko daw sa mga quizzes at exam dahil sadyang may kahinaan ito.

Minsan nga sa english quiz namin, reading comprehension, Zero kaming lahat except sa kanya. Tendency kasi natin sa exam, hindi na binabasa ang instructions. Draw ng circles sa loob ng triangle at lagyan ng kung ano-ano pang anik-anik. Ang trick ng exam, may nakalagay pala sa huli ng "do not do anything". E dahil hindi inintindi ng lahat ang first instruction na "read everything before answering", ayon dive agad at pinakita ang galing pag drawing ng mga hugis pang grade 1... hehehehe. Ayon, zero ang lahat except sa kay Darius. Hehehehe. Pinalakpakan ng lahat. Nang tinanong ng guro kung bakit perfect sya, ito ang kanyang sagot:
"Hindi ko kasi naintindihan ang instructions ma'am kaya hindi ko na lang nilagyan ng answer". Wapak!!!! hehehehe
Isa lang yan sa mga "life's like that" ni Darius.

Balik tayo sa clearance...

Tiningnan ko na ngayon kung nakabayad ba sya sa lahat ng dues nya. Dahil wala sa record na nagbayad sya para sa acquaintance party na compulsory, ayaw pirmahan ngayon ni Juan. Pilit naman sya ng pilit na nakabayad na daw sya. Syempre, ako rin kahit na kaibigan ko yon, pinaninindigan ko pa rin ang vote ko na not to pirma kasi ayon sa kapanipaniwalang records ko na hindi nga sya nagbayad. Kaya ayon umalis na lang sya. Wala syang magawa e.

Makalipas ng isang oras, ayon na... dinala nya pala ang tatay nya. Pinuntahan ako at pinipilit ako ng tatay nya pirmahan ko daw dahil "sabi" ng anak nya nakabayad na daw para doon sa lintik na 150 pesos para sa acquaintance party. E dahil nga wala sa record kahit na andon yong tatay nya, hindi pa rin ako pumirma.

Medyo galit na sa akin si tatay. At nag-umpisa nang magmura. Kesyo daw parang sinasabi ko na sinungaling ang anak nya. Na pinalaki nya nang maayos ito. Na binigyan nya na ng pera noon para sa acquaintance party due. Na ganito. Na ganyan... Naalibadbaran na rin ako kaya sabi ko sa kanya na punta na lang kami sa Department Head at doon na sya magpaliwanag.

Dahil nasa campus area lang naman ang bahay ng D.H., kaya madali lang puntahan. Pero habang naghihintay kami kay sir D.H., minumura pa rin ako ni tatay. Medyo nasaktan na ako kasi medyo sina-psywar nya ako. May halo ng pananakot at masasakit na salita. Pero ang hindi ko talaga kaya e yong sinabi nyang "susunugan nya daw ako ng 500".

Pinirmahan ni D.H para wala nang problema. Pero hindi ko talaga nilagay initials ko. May paninindigan ako e.

Nong pipirmahan na ni D.H., umalis na kaagad ako. parang puputok na kasi ang dibdib ko. Pumunta ako sa kaibigan ko sa CAT office, hinatak ko sya palabas at doon na ako umiyak.

Umiyak ako dahil nainsulto ako. Pwede ring may halong takot. Ang hindi ko talaga matanggap e yong sinabihan ako na susunogan nya raw ako ng 500. Feeling ko kasi parang minaliit ako. Para bang kahit highschool "lang" ako at wala akong karapatang maging honest at ipaglaban ang sa alam ko na tama dahil lang mas matanda ang kausap ko.

Kaya nga siguro sinabi ko talaga sa sarili ko na hindi ako magtatrabaho sa government offices. Baka madali akong matsugi. Hehehehe. Talamak naman kasi at harap-harapan ang kurapsyon.

Siguro kung ngayon nangyari yon, lalaban ako. Lalaban ako ng sunugan ng pera. Kung 500 sa kanya, dodoblehin ko pa. Pwede 1000 or kahit 5000 pa...

coins nga lang ang susunugin ko.... hehehehe

No comments:

Post a Comment