Sunday, July 31, 2011

Adik...

Isang buwan lang ako sa nilipatan kong boarding house. Paano ba naman kasi.. hirap na hirap ako sa CR... nagpa-fireback... yong tipong akala mo wala na ngunit datapwat subalit lumilitaw ulit... grrrrr... kaya for one month, sa opisina na ako nagde-deposit sa banko. maliban na lang kung linggo kasi walang office... hehehehe...

Kaya ayon, lumipat ang bida sa ibang boarding house. Mura lang naman ang boarding house sa probinsya noon... sa halagang 350 may medyo maganda ka nang boarding house kaya lang bed spacer ka lang. Nataon na sa apatan ako na-assign. 2 estudyante, ako na nagtatrabaho at ang pang-apat ay ang landlord namin. Single si kuya, cguro sa kanya naka-assign ang 3-room boarding house na yon kasi katabi ng boarding house ko, e boarding house naman ng nanay nya.

Simple lang patakaran ni kuya.
- magbayad sa tamang oras
- walang pakialamanan

First time kong tumira sa isang kwarto na hindi ko kamag-anak ang mga kasama ko. Ok naman sila. Palaging nagtotong-its. As in tong-its magdamagan. Itong si Kuya Landlord naman ang palagi nyang ginagawa aside sa tong-its ang maglaba magdamagan. Ewan ko ba kung anong pumapasok sa mga kukuti nila at yon palagi ang ginagawa nila. Nagpupustahan. Pero hindi naman nambubulahaw, kasi nakakatulog naman ako.

Kay kuyang Landlord ko din na meet si Harry Potter. Mahilig din syang magbasa. Kakabilib. Sa kanya ko din na-meet  si Jason Bourne at sina Bilbo Baggins at Frodo Baggins. Sa kanya ko nahiram yong librong The Hobbit (prelude to Lord of the Rings series) na kung paano sinagot ni Bilbo Baggins ang riddle ni Gollum, na sikat sa katagang "my precious" sa Lord of the Rings, para makalabas sya sa tunnel.

Mga early 40's na siguro si kuyang landlord. Pero open naman sya sa buhay single nya. Doon ko nalaman na nagka live-in partner pala si kuya. Pero naghiwalay din sila ng kanyang boyfriend. Yes po, boyfriend. Hehehehe. Pero wala din naman akong balak mag-open kay kuya na galing din ako sa break-up. Break-up sa boyfriend din.... hehehehe.

Minsan habang nagtotong-its sila. Inaya nila akong magsigarilyo. Nagtaka ako bakit ang nipis ng sigarilyo nila. At foil pa ang ginagamit. At nilabas pa uli ang isa pang foil na may white substance sa gitna na pinapainitan ang ilalim ng foil gamit ang lighter na may nakasalang din na foil na tulad ng ginagamit nilang panghithit sa usok. Gulo ano? hehehehe... Kaya doon ko nalaman na kaya pala walang tulugan sa kakatong-its at panglaba ang mga kasama ko sa kwarto e dahil nagbabato pala ang mga loko.

Ngunit kahit ganun sila, hindi naman nila akong pinipilit na tumikim. At talagang hindi ako tumikim. Kasi ayoko nang dagdagan pa ang problema ko. Di porke bigo ako, e sisirain ko na ang buhay ko. tama? hehehehe

Wala na ngang pakialamanan di ba? Kaya kahit na nagising ako at nakita kong nag-babate si kuyang landlord, e pikit na lang ulit ako pero palihim na nanonood. hahahaha.

Gayunpaman, hindi ko gusto ang ganong setup. Dahil may bisyo si kuya, e napapadalas mag-advance. At saka ayokong madamay, baka i-raid sila at masama ako. Kaya iba na ang nag-iingat di ba?

Labag man sa kalooban ni kuyang landlord, umalis ako kahit may advance pa akong binayad sa kanya. Lumipat ako sa ibang boarding house na tatlong kanto lang ang layo. Boarding house na kung saan na-met ko si......

Thursday, July 28, 2011

Share Your Blessings



Madlang People...

Who wants to play/have the famous "ANGRY BIRDS" in your laptop or desktop?

If you like (for free)... just email me:
juanmediocrelife@gmail.com
I will send it to you through e-mail. It's virus free.... but if you want, you can always scan it to be sure...


Disclaimer:
it may not work on some laptop/desktop. some problem yata with resolution.
Sorry i cannot attach an executable file sa e-mail... kaya the files i'll be sending is in ".rar" format. Most of the computers naman nababasa ang ganitong file e...

Thursday, July 21, 2011

Withdrawal Sydrome...

Here i am again. Scourging the pigments of my past. LOL.

Ang Nakaraan:

I have already decided that i will distance myself with Dennis. The pain is unbearable. And moving my life ahead without him was the least I could do.

Before leaving:

Bago pala ako umalis sa bahay. Sinunog ko ang lahat ng mga sulat at mga bagay na makapagpaalala sa akin sa mga panahon na magkasama kami. Lalong lalo na yong mga porno magazines na ayaw kong makita ng iba kasi nga m2m. Hehehehe.

Simula ng Bagong Kabanata:

Lumipat na ako ng bagong boarding house na walking distance lang sa opisina. Hindi ko na tiningnan noon kung ok ba ang bahay or hindi basta makalipat lang ako. At sya ay lilipat na din sa bahay na inuupahan ng babae.

The pain was so great na palaging akong tulala noon. Mas masakit pa kung maalala mo na sa tuwing dadating ka na bahay noon, may sumasalubong sa'yo sabay halik pag nasa loob na kayo ng pribado nyong mundo. I secluded myself from the world. Gusto kong palagi lang akong mag-isa. After work, balik agad ng bahay at minsan hindi na kumakain. Friends didn't know my situation and I don't have the guts to tell them that i was double timed by my long term and live-in boyfriend na sa pagkakaalam nila ay pinsan ko lang. Na mas madagdagan ang sakit, dahil feeling mo ikaw lang mag-isa sa mundo. Na ikaw lang mag-isa ang haharap kung ano man ang pinagdaanan mo ngayon.

Pero desidido ako, I really meant to move on. Sabi ko nga sa sarili ko that I should not cry over a spilled spoiled milk. And to do that, I should have no communication with him. I didn't even wanted to see him. Pero sadya atang mahirap takasan ang riyalidad na kahit nagkasala sya sa'yo, mahal na mahal mo pa rin sya.

Layo ako ng layo. Pero lapit naman sya ng lapit. Minsan nga naabutan ko na naghihintay sya sa labas nga boarding house. Maga ang mata at kelangan nya daw akong makausap. Gustuhin ko man pero kung pagbibigyan ko sya sa hiling nya, mas mahihirapan ako. Sinabihan ko na lang sya na tapos na ang lahat at sana h'wag na namin pahirapan pa ang mga sarili namin.

I engaged myself sa mga bagay para mag busy-busyhan ako. Yong isang kaibigan ko, itago natin sa pangalang KJ, ang tagahanap ng kliyente, ako naman ang tagagawa ng computer program. (Naumpisahan ang program pero hindi natuloy ang transaction kasi gago ang may-ari ng botika ng gagawan sana namin ng program)...

Doon na rin ako minsan natutulog sa bahay nina KJ kasi nga gumagawa kami ng project at sya lang ang may computer. Minsan isang gabi, ilang weeks pa bago ang kasal ni Dennis, napag-alaman ni Dennis na nasa bahay ako ni KJ. Tumawag sya sa telepono at kinausap nya ako na sana sa huling pagkakataon ay makita at makausap nya ako. Labag man sa kalooban ko, pero pumayag na din ako.

Sinabihan ko si KJ na pupunta muna ako sa officemate ko ay may ibibigay lang. Pero galing sa bahay nila dumeritso na ako sa inuupahan nina Dennis. Syempre wala doon ang babae. Kaming dalawa lang. Pinagluto nya ako. Kain. Usap konti. At nauwi sa kama. Alam nyo 'yong feeling na parang mauubusan kayo na hayok na hayok dahil miss nyo ang isa't-isa? Na may halong kagat na hindi mo alam kung ano ang uunahin mo? Na sana hindi na matapos ang oras at palagi na lang kayong ganun? Oo, nakakahiya mang isipin na hindi ko napigilan sarili ko pero sa pagkakataong iyon, hindi na ako nag-isip pa. Pero matapos yon, sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi na mauulit pa. Hindi para sa kanya kundi para sa sarili ko.

Medyo natagalan akong umuwi. At nag-alala na si KJ. Dahil alam nyang tumawag si Dennis sa akin, pinuntahan nya ang bahay ni Dennis na isang subdivision lang ang layo mula sa kanilang bahay. Kumatok sya. dahil ayokong malaman ni KJ na nadoon ako at dahil iba ang paalam ko, nagtago na lang muna ako sa CR. hehehehe. Pero hindi ko sigurado kung nakita ba ni KJ ang tsinelas ko na nasa labas ng pinto. Sinabihan sya ni Dennis na wala ako doon at umalis na din ang kaibigan ko. Di kalaunan, umalis na rin ako at pumunta sa bahay nina KJ at nagpatuloy sa ginagawa kong project.

Tinanong ako ni KJ kung saan ako galing. Sinabi ko na sa officemate ko nga. Pero parang ayaw ata maniwala. Hehehehe. Kaya dinedma ko na lang para hindi na hahaba ang usapan.

And being true to my word for myself. Yon na ang last encounter ko kay Dennis aside sa wedding ceremony nya.

.
.
.
Our love story may not be a happy ending. But i learned so much from it. He has given me the love that I never knew then. Though my hopes and dreams were shattered, our break-up molded me to be  a stronger person but not right there and then.

But the most important thing i learned from all the things that happened to us is "acceptance". In order for me to move on, I should accept my fate and accept the truth that nothing lasts forever. That we will never be again. That all those bitter sweet memories will only live in my brain.... forever.

Tuesday, July 19, 2011

Paninindigan...

4th Year Highschool enrolment...

Busy ang lahat. Busy rin ako. After ko enrol, nag facilitate rin ako sa enrolment ng CAT. Officer kuno kasi ako. Dahil hindi katangkaran, ginawa lang akong platoon leader. Pero ok lang naman. Highest naman ako sa tactical exams... Hehehehe [*yabang mode*]

At para sa hindi pa cleared sa mga previous years na obligation, busy rin ako sa pagpirma ng mga clearance bago pirmahan ng department head ng curriculum namin. I was the president kasi sa klase nong 3rd year hs ako.

Lumapit ang classmate kong si Darius sa akin. Magpa-initials ng clearance nya. Itong si Darius naging friend ko na rin dahil sa loko-loko at sikat sa classroom namin dahil sa pagbitiw ng mga english na wala sa tono [hehehehe], palagi ring pinagbibilin ng nanay nya sa akin na pakopyahin ko daw sa mga quizzes at exam dahil sadyang may kahinaan ito.

Minsan nga sa english quiz namin, reading comprehension, Zero kaming lahat except sa kanya. Tendency kasi natin sa exam, hindi na binabasa ang instructions. Draw ng circles sa loob ng triangle at lagyan ng kung ano-ano pang anik-anik. Ang trick ng exam, may nakalagay pala sa huli ng "do not do anything". E dahil hindi inintindi ng lahat ang first instruction na "read everything before answering", ayon dive agad at pinakita ang galing pag drawing ng mga hugis pang grade 1... hehehehe. Ayon, zero ang lahat except sa kay Darius. Hehehehe. Pinalakpakan ng lahat. Nang tinanong ng guro kung bakit perfect sya, ito ang kanyang sagot:
"Hindi ko kasi naintindihan ang instructions ma'am kaya hindi ko na lang nilagyan ng answer". Wapak!!!! hehehehe
Isa lang yan sa mga "life's like that" ni Darius.

Balik tayo sa clearance...

Tiningnan ko na ngayon kung nakabayad ba sya sa lahat ng dues nya. Dahil wala sa record na nagbayad sya para sa acquaintance party na compulsory, ayaw pirmahan ngayon ni Juan. Pilit naman sya ng pilit na nakabayad na daw sya. Syempre, ako rin kahit na kaibigan ko yon, pinaninindigan ko pa rin ang vote ko na not to pirma kasi ayon sa kapanipaniwalang records ko na hindi nga sya nagbayad. Kaya ayon umalis na lang sya. Wala syang magawa e.

Makalipas ng isang oras, ayon na... dinala nya pala ang tatay nya. Pinuntahan ako at pinipilit ako ng tatay nya pirmahan ko daw dahil "sabi" ng anak nya nakabayad na daw para doon sa lintik na 150 pesos para sa acquaintance party. E dahil nga wala sa record kahit na andon yong tatay nya, hindi pa rin ako pumirma.

Medyo galit na sa akin si tatay. At nag-umpisa nang magmura. Kesyo daw parang sinasabi ko na sinungaling ang anak nya. Na pinalaki nya nang maayos ito. Na binigyan nya na ng pera noon para sa acquaintance party due. Na ganito. Na ganyan... Naalibadbaran na rin ako kaya sabi ko sa kanya na punta na lang kami sa Department Head at doon na sya magpaliwanag.

Dahil nasa campus area lang naman ang bahay ng D.H., kaya madali lang puntahan. Pero habang naghihintay kami kay sir D.H., minumura pa rin ako ni tatay. Medyo nasaktan na ako kasi medyo sina-psywar nya ako. May halo ng pananakot at masasakit na salita. Pero ang hindi ko talaga kaya e yong sinabi nyang "susunugan nya daw ako ng 500".

Pinirmahan ni D.H para wala nang problema. Pero hindi ko talaga nilagay initials ko. May paninindigan ako e.

Nong pipirmahan na ni D.H., umalis na kaagad ako. parang puputok na kasi ang dibdib ko. Pumunta ako sa kaibigan ko sa CAT office, hinatak ko sya palabas at doon na ako umiyak.

Umiyak ako dahil nainsulto ako. Pwede ring may halong takot. Ang hindi ko talaga matanggap e yong sinabihan ako na susunogan nya raw ako ng 500. Feeling ko kasi parang minaliit ako. Para bang kahit highschool "lang" ako at wala akong karapatang maging honest at ipaglaban ang sa alam ko na tama dahil lang mas matanda ang kausap ko.

Kaya nga siguro sinabi ko talaga sa sarili ko na hindi ako magtatrabaho sa government offices. Baka madali akong matsugi. Hehehehe. Talamak naman kasi at harap-harapan ang kurapsyon.

Siguro kung ngayon nangyari yon, lalaban ako. Lalaban ako ng sunugan ng pera. Kung 500 sa kanya, dodoblehin ko pa. Pwede 1000 or kahit 5000 pa...

coins nga lang ang susunugin ko.... hehehehe

Thursday, July 14, 2011

And so it happened...

I could really say na "this is it". We really did handled our relationship so fine. Umabot na nga sa punto na sa pamilya ko na sya nag si-celebrate ng Christmas at New Year.

Everything was so perfect.... but then...





..... after Wilson, everything was so perfect for us (Dennis). Perfect in the sense na wala nang pumagitna pa sa amin. Marami kaming pinagdaanan na adventures. Naranasan naming mabaha na abot leeg. First time kung nakaranas ng baha, pinagalitan nya pa nga ako kasi ang saya-saya ko pa daw dahil binaha kami. Hehehehe. Pero grabeng kati din yon sa katawan. Halos inubos ko na ang isang bar ng safeguard at isang bote ng alcohol pero napakakati pa rin. Hehehehe.




May mga konting selos din naman. Ako nagseselos don sa teenager na lalaki na palaging dikit ng dikit sa kanya. Hehehehe. Sya naman pinagselosan nya yong bestfriend ko sa elementary na matagal ko nang di nakita. Nauso na kasi ang text noon at nakikitext lang ako sa celphone nya kasi hindi ko pa afford magka celphone that time. Away kung minsan na kadalasang nauuwi sa alam nyo na... hehehehe...




Pero kahit anong ingat mo sa inyong pagmamahalan kung may darating na dagok, kelangan nyo talagang mamili. At sa panahong iyon, kahit na mahigit 6 na taon na kami, at sobra 2 taong nagsama, pinili ko ang sa alam ko na tama....




Nakabuntis sya. Hindi ko alam kung kelan sya nakalusot sa akin kasi palagi nga kaming magkasama. Siguro sa mga panahon na nasa opisina ako or mga time na umuuwi ako sa probinsya. Sabi nya nilasing daw sya at di nya na alam kung ano ang nangyari. Sabi pa nya baka hindi daw kanya ang pinagdadalang-tao ng bwisit na babaeng yon. Hindi ko pa nga nakita ang babaeng yon.




Alam nyo yong feeling na tumatawa ka at bigla kang sinampal? Yon ang naramdaman ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Sabi ko sa sarili ko na kaya ko yon... pagsubok lang yon sa amin...




Hindi ko na maalala kung humingi sya ng sorry. Pero ang mas masakit, pumupunta na ang babae sa tinutuluyan namin at doon na natutulog. Ang alam kasi ng babae, magpinsan kami. Damn. Parang ang sakit isipin na hindi na ikaw ang katabi nya sa kamang saksi ng inyong pagmamahalan. Na doon na ako humihiga sa extrang kama na ginagamit naming props (na pinapalabas naming doon ako natutulog). Pilit kong nilabanan ang selos dahil ayaw kong masira sya. Pinipilit kong makatulog. Nakapikit nga pero basa naman ang unan. Hindi ko alam kung bakit nagpaka martyr ako sa time na yon. Gusto kung maging rude sa babae nya pero pinipigilan ko ang sarili ko.




Kinausap ako ni Dennis kung pananagutan ba nya ang babae o hindi. Kahit anong sakit ang idinulot noon sa akin, ako na mismo ang nagdesisyon na kailangan nyang panagutan ang mga nagawa nya. I cannot go on living a life na masaya nga ako pero may matatapakan namang ibang tao. Ok lang na masira sana ang buhay ng lintik na babaeng yon, pero hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung madadamay pa ang walang malay na bunga ng kanilang kataksilan.




Masakit man pero alam kong makakaya ko rin yon. Pero hindi naging madali. Nag desisyon na akong bumukod. Dahil habang paulit-ulit na nakikita ko ang babae, paulit-ulit din at mas grabe ang sakit na nararamdaman ko. Iniisip ko pa lang na hindi na kami magsasama, naghina na ako. Kaya sa panahong umalis ako ng bahay, nakiusap ako sa kanya na sana wala sya doon.




Pero bago ako umalis, pinag-usapan namin kung ano ang magiging status namin. Kung sya magdesisyon, hindi nya raw kayang mawala ako sa buhay nya. Pero sana naisip nya na yon bago pa man sya gumawa ng mga bagay sa pagsisihan nya sa huli. Ako ang nag desisyon na putulin na namin kung anong meron kami that time. Dahil ayokong maging kabit na kung tutuusin ako naman ang nauna sa buhay nya. Dahil ayokong dumating ang panahon na maghihintay ako sa wala. Dahil kahit kaunti, may natitira pang pagmamahal para ang sarili ko.




Bago kami tuluyang naghiwalay, nakiusap sya na kung pwede ba daw akong maging bestman nya. Walanghiya, gusto pa atang makitang nasasaktan ako. Hahay. Pero umayaw ako. Pabiro kong sinabi na gawin nya na lang akong ninong sa kasal nya.




At tuluyan na nga kaming naghiwalay. Nagparaya ako pero hindi pala ganun kadali. Sa susunod na post ko na lang isalaysay ang withdrawal syndrome namin... :(




Sya nga pala, tinutoo ng mokong na gawin akong ninong sa kasal nila. Umattend din ako sa kasal pero lahat ng yon ay pawang palabas lamang. Masakit man pero pilit kong tinanggap na hanggang doon na lang kami...

Wednesday, July 13, 2011

No Strings Attached...

4th year college. Busy-busyhan sa mga major subject. Dami naming projects noon. E dahil nga kelangan naming magtrabaho sa thesis at mga group projects, nagkasundo ang magbabarkada na titira na lang kami sa iisang bahay nang hindi kami mahirapan. 8 kami sa grupo. Nag rent kami ng isang housing unit na tapat din ng housing unit ng ibang grupo.

Syempre, nandoon na ang inuman, harutan, kantahan (favorite songs pa namin mga spice girls song [true color talaga... hehehe]), kainan, puyatan at iba't ibang kalokohan.

Si Wilson... isa sa mga kaibigan ko. Tahimik na bata. Sabay sa sa tawanan pero tagatawa lang. Minsan lang kasi nagsasalita. Pero pag bumitiw ng punch line, siguradong sapul. Maituturing ko rin syang tunay na kaibigan kasi minsan inako nya ang kasalanan ko... hehehehe... nasira ko ang motorcycle nila pero pinalabas nya sa parents nya na siya ang nakasira... hehehehehe...

Dahil nga sa project, hindi maiwasan na magtabitabing matulog ang magbabarkada matapos magpuyat sa ginagawang project. Halo na ang mga babae at lalaki. At nagkataon na nagkatabi kami ni Wilson. At dahil dapat mas unahin ang mga babae sa kumot at unan, isang unan at isang kumot na lang ang natira para sa aming dalawa ni Wilson. So ok lang. Wala naman malisya, pero ewan at bakit naisipan kong idantay ang paa ko sa kanyang harapan. Doon na nagsimula ang krimen. Sa ilalim ng kumot nangyari ang hawakan at kung anu-ano pa.

Na guilty ako don. Isipin mo committed ako kay Dennis at heto ako ngayon nakikipag-fencing kay Wilson. Whew. First time ni Wilson na mangyari sa kanya yon. Kinaumagahan, deadma lang. Pero parang pagod na pagod ako kasi wala masyadong tulog kasi nga may ginawang milagro. Hehehehehehe...

Hindi lang once or twice nangyari yon. Hanggang sa humanap talaga nang paraan na kami na lang dalawa ng malaya naming magawa ang gusto naming gawin. Minsan pinag usapan namin kung ano ang meron kami, at napagkasunduan namin na "libog" lang yon. Na "no strings attached". Ok naman sa akin kasi nga meron akong Dennis di ba.

Pero sadya atang matalas ang pang-amoy ng partner mo sa mga ganitong bagay. Nagsusupetsa na si Dennis. Nagseselos sa barkada dahil palagi nga kaming magkasama lalung-lalo na kay Wilson.

Minsan kung nakapag-midnight snack kami ni Wilson doon sa bahay na pinagtatrabahuan namin, para hindi halata, dapat mag-breakfast ako kay Dennis. Hehehehe... Ubosan na ng lakas. Hehehehe. Minsan pag-uwi ko, at sumaglit sa bahay ni Dennis, nakitaan nya ako ng natuyong talsik ng tamod sa may balikat ko... hahahaha. Deny to death ako ngayon. Sabi ko laway lang. Ayaw nyang maniwala pero wala syang magawa kasi hindi ko talaga aaminin.

Sa mga panahong iyon, madalas kong maabutan si Dennis na umiiyak. Tinatanong ko kung anong problema nya. Yayakapin nya lang ako sabay sabi na huwag ko daw syang iiwan. Hayyy... Guilty ako na hindi dahil nga hindi naman kami committed ni Wilson di ba... Hanggang fencing lang kami...

Sa hindi katagalan, alam kong unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Wilson sa akin. Pero dahil nga napag-usapan namin na "libog" lang kung bakit namin ginagawa yon, we never talked about it na lang. Ako naman, hindi naman rude ako pero parang hindi siguro mahuhulog ng tuluyan ang loob ko kay Wilson. Kumbaga, he has the looks but he don't have the bones in any decision making. Turn-off kasi sa akin yon. Gusto ko yong hindi ako palagi ang magdi-decide kung ano at alin. Nahahalata na rin ng mga kaibigan namin ang extra closeness namin ni Wilson. Pero tinatawanan lang naming dalawa para naman hindi ma-affirm sa kanila na may monkey-business kaming dalawa.

We graduated from college and started to have work. Dahil after graduation nagsama na nga kami ni Dennis, natapos rin ang fencing session namin ni Wilson. Pero andyan pa rin sya. Ewan ko ba kung anong nangyari at naging close si Dennis at Wilson. Kaloka. Ako na naman ngayon ang nagseselos. May sabay silang mag jogging at kung anu-ano pa. Nagkalabuan kami ni Wilson. Hindi ko na sya pinapansin dahil nga nagseselos ako sa kanila. Hindi ko naman sya matanong kung merong namamagitan sa kanila ni Dennis dahil hindi rin naman alam ni Wilson na kami ni Dennis. Hirap di ba? I initiated a cold war with him. Nagtaka ang iba naming kaibigan kung bakit hindi ko pinapansin si Wilson.

Pero ang hindi ko maintindihan sa mga pangyayari, e kung bakit ni-record ni Wilson ang usapan nila ni Dennis sa phone. At pinarinig sa iba naming kaibigan. Hindi ko na narinig ang tape kasi ayaw kung pakinggan. Nagbubulag-bulagan na lang ako. Hindi ko na tinanong si Dennis kung ano yon.

Parang nalagay ako sa sitwasyon na wala akong karapatang magreklamo dahil alam ko sa sarili ko na nagkasala din ako kay Dennis. Pilit ko na lang tinatakpan ang tenga ko ang nilululon ko na lang ang pride ko dahil alam ko na resulta lang iyon ng mga ginawa ko dati.

Di nagtagal, lumuwas ng manila si Wilson upang makipag sapalaran... ngunit hindi doon nagwakas ang istorya naming dalawa....

Sunday, July 10, 2011

Truth and Nothing but...

In my first blog entry, i promised to write only the truth and the lies of my life. This is my life story and most likely i'm the protagonist. Syempre ako rin ang sumusulat e. Hehehehe. I can make myself a super aping-api or a hero in my story. But I have evil side also that is worth knowing. Na nagpapatunay na hindi ako perpekto. Na pwede nyo rin akong kamuhian. Kung sasabihin ko lahat ng katotohanan, wala naman mawawala sa akin di ba? Hehehehe.  This blog would be the proof of all the love, lies, deceit and some point of views of juan.

(Note: this is not the sequel of Nakaw Na Mga Gabi. Ito yong mga palaman sa pagsasama namin)


2nd year college ako nang maging kami ni Dennis. Siguro noong 1 year na kami, sinulatan nya ako. At nakalagay doon na gusto nya nang makipag break sa akin. Dennis is 9 years older than me. He never told me the reason. Perhaps he had realized that being in a m2m relationship won't do him any good. Or perhaps he realized that time that he don't love me. Or maybe he don't want to ruin my life (assuming ha, hehehe... wasak na e.. hehehe).

That was my first heartbreak. You know the part na hindi mo alam kung paano ma-overcome ang mga ganito.   Na hindi mo kayang i-share sa mga kaibigan mo dahil sigurado kang hindi ka nila maiintindihan. Dahil alam mong huhusgahan ka dahil hindi naman normal noon na ang lalaki ay may karelasyong lalaki di ba (pero ngayon kahit alam na na maraming ganitong relasyon mapa lalaki sa lalaki or babae sa babae, marami pa rin ang nanghuhusga. Sad truth.). Na hindi mo maintindihan kung bakit sya makikipaghiwalay e andon the yong in love na in love ka na. I was very devastated that i cried for nights.

Until a wicked plan had surfaced in my mind. I said to myself that that was very unfair. That he had to pay for that.

My plan:
1) I will asked for second chance.
2) Make him really fall in love to me.
3) Dump him.

And yes, i asked for second chance. Because of my persistence, he said yes.

Made him really fall for me - you have to judge it on my succeeding stories kung na in love nga ba sya.

Dump him - I can't.

In the process of making him really fall for me, I fell for him even more...

Wednesday, July 6, 2011

Nakaw Na Mga Gabi

Naging kami na nga ni Dennis...

Subok lamang ang lahat. Walang sense of direction. Basta go lang ng go. Minsan, summer break, medyo matagal na hindi kami nagkita, that very day na pabalik ako sa city, nilagnat ako. Pero pinilit ko pa ring bumalik kasi namimiss ko na sya. And that very night, his kisses and hugs stripped it all. Nawala ang lagnat. At doon ko naisip na in-love na yata ako. Ayon, tinawanan nya lang ako kasi daw kissperin at yakapsul lang pala kelangan ko.

Dahil nga 3rd cousin ko sya, ok lang na palagi ako sa bahay nila. Pero hindi talaga maiiwasan ang mga bulong-bulongan. Pero binalewala lang namin. Kaya para hindi masyadong halata, after klase, bihis lang ako tapos deritso na tambay sa kanila sabay dinner. Kadalasan, pinagluluto nya ako. Masarap ding magluto ang mokong. Palaging may sabaw ang niluluto. Hmmmm.. siguro pini-prepare nya ako palagi na hindi mag-dry... hehehehe.

At dahil inuumaga na akong umuuwi at sarado pa ang bahay na tinitirhan ko, sa bintana ako dumadaan. Minsan pag ginagabi naman syang umuwi, at sarado na ang bahay, sa bintana pa rin ako dumadaan para lang magkasama kaming matulog. Alam mo yong naghahanap ka talaga ng paraan para makasama mo lang ang mahal mo?

I can say na naging maganda ang relationship namin. Nandyan yong nag-enroll sya (2nd course) ulit para lang magkasama kaming umuuwi sa gabi. Ang ginawa ko pa nga, humiwalay ako sa schedule ng magbabarkada para lang magkaroon ako nga schedule na pang-gabi para sabay kaming umuwi. At ang kursong kinuha nya ay associate sa kurso ko para may rason kami nga tuturuan ko sya sa mga major subjects ng kurso namin.

We did many crazy things together. Like petting in the public utility bus. Making love in the kubo sa gitna ng kabukiran. Doing the did in his office and many other unmentionable things.

After a year of schooling, huminto sya. Kasi natanggap sya sa isang canning company na medyo malayo sa city. Nahirapan ako sa time na yon. Panggabi kasi sya. Di ba nga wala pang celphone noon? Kaya ang ginagawa namin, tatawag ako sa payphone tapos hindi ko pipindutin ang talk button para hindi magasto. Sya lang magsasalita. Para kaming mga baliw. Hehehehe. 30 seconds per call ata. Parang drop call lang. Hehehehehe.

I was really so inlove and maybe he was also.

Right after my graduation, we planned na tumira sa isang bahay. And yes, kung may bulong bulongan man, hindi ko na alam. We rented a room. May dalawang kama, pero sa isang kama lang kami natutulog. 2 months akong tambay, at two months nya rin akong sinuportahan. At sa wakas nagkatrabaho rin ako. He also worked as an insurance agent.

There are so many things we planned together dahil secure na kami sa isa't-isa. Syempre pakilala namin sa mga kapit-kwarto, magpipinsan kami. He has his own motorcycle na kasi kelangan sa work nya. And there was never a week na hindi kami gumagala. Sometimes, pag malapit na talaga akong ma-late, hinahatid nya pa ako sa work.

Meron din times na nag-aaway kami. Pero sagutan lang. Walang sakitan. May mga tampuhan pero hindi namin pinalalampas at dapat before matulog, ok na. May mga konting selos pero it doesn't matter naman. (Kung may time ako, at kung may maalala pa ako, gawan ko rin ng post ang selos moment. Hehehehe)

Ako ang tagaluto ng kanin, sya naman tagaluto ng ulam. Sya ang tagalaba (washing machine po), ako naman ang taga-igib ng tubig. Kung magkakasakit ako, inaalagaan nya ako. Kung napapagod sya, minamasahe ko.

I could really say na "this is it". We really did handled our relationship so fine. Umabot na nga sa punto na sa pamilya ko na sya nag si-celebrate ng Christmas at New Year.

Everything was so perfect.... but then...

Sunday, July 3, 2011

Ulan


CHAT MODE...

juan: sa MOA ka lang.. kay mas dako ang IMAX sa MOA kaysa sa SM North EDSA...
        (sa MOA ka lang.. mas malaki kasi ang IMAX ng MOA kesa sa SM North EDSA)

krizz: tani lng gid maka visit liwat manila soon!
         (sana makavisit ako ulit ng manila soon!)

biglang umulan ng malakas....

juan: wait ha... maligo anay ko... sa ulan... heheheehe
         (wait ha... maliligo muna ako... sa ulan... hehehehe)

krizz: pagxur! hehehe, enjoy ah!=)

...
...
...

Kuha ng sabon. 
Kuha ng towel. 
Tumatakbong lumabas ng kwarto papuntang rooftop...

Ang lakas ng ulan. Oooppss.... ako lang mag-isa.... hmmmm... hubad ng t-shirt... hubad ng shorts... ayan, naka boxer brief na lang.... hehehehe

Malalaki talaga ang butil ng ulan. Medyo masakit din pag tumama sa balat... pero ok lang... na miss ko to... hehehehe.. nagtatakbo at tumatalon na parang bata....

Hindi mo talaga maiwasang maalala ang kabataan mo lalo na pag umuulan. Nagpapaligsahang lumabas ng bahay at maligo sa tapat ng alulod sabay kanta nga Peter Patter... ang saya!!!.... hehehehe

Mabuti pa kung bata ka ano? Walang iniintinding problema. Pag-nagutom, hihingi lang ng pagkain kay nanay. Puro laro lang ang iniisip. Hindi alintana ang init ng araw basta nagtutumbang-preso. No care sa amoy-pawis basta ba panalo sa taguan at habulan. Di baleng marurumi ang mga paa at mga kuko, maraming kuto, tumutulong sipon, walang toothbrush, hindi nagsusuklay, walang brief (deritso shorts agad, pag may butas.. bang.. hehehehe), madapa at magkakasugat ang tuhod.... napaka simple talaga ng buhay ng mga bata. haaizzz. problema mo lang kung paano mo maiwasan ang palo dahil nagabihan ka sa paglalaro sa kapitbahay... hehehe

E ngayon. Marami ng obligasyon. Trabaho, paglilinis ng bahay, bayarin sa kuryente, tubig, pagkain sa araw-araw. Pero ang mas nakakapanglumo.. heartaches... sana wala nang heartaches ano? sana walang ng mang-iiwan... sana nandyan palagi si happiness... sana hindi pilit ang mga smiles mo... sana hindi ka magigising na umiiyak... sana hindi mo sya maaalala pag umuulan... sana... sana...

...
...
...

Ooooppss.. ang lamig na pala dito sa rooftop... nangingig na kalamnan ko... malakas pa rin ang ulan...

Suot ng shorts...
Pumwesto sa gitna ng rooftop...
Nakatayo...
Sabay ihi.... ang init!!!!!!!

hehehehe

Na miss mo rin bang umihi sa loob ng shorts mo habang naliligo sa ulan? hehehehhe