picture from http://mercurio3.deviantart.com
.
.
.
Napaisip tuloy ako.... na kung talagang mahal nyo ang isa’t-isa, bakit ba sinasayang nyo ang panahon sa pag-aaway? Oo, sinasabi natin na walang perpektong relasyon. Minsan pa nga, bilang depensa kung bakit nag-aaway e sinasabi na “spice of relationship” daw. Pero hindi ko pa rin ma-gets na ang magiging reason ng sagutan, iyakan, dabugan kung minsan pa nagkakasakitan e dahil lang sa mga walang kwentang bagay na pwede namang pag-usapan. Yes, ako na ang idealistic. Pero pwede naman iwasan na sumama ang loob nyo di ba?
Isipin nyo na lang na ang lahat ng bagay ay may katapusan. Maging ang relasyon. Kahit na ang pag-iibigang tapat ay nawawakasan din kung ang puso nyo ay hindi na pumipintig. Na sana, sa bawat oras, minuto at segundo kayong magkasama, sulitin nyo ang panahong ito na kayo’y laging masaya. Di ba mas mararamdaman nyo kung gaano nyo kamahal ang isa’t-isa na kahit binabalot kayo ng katahimikan habang nakaupo lamang sofa na magkahawak ang kamay? Na maririnig nyo ang bawat pintig ng puso at paghinga hanggang sa makatulog kayong may ngiti sa mga labi at mayroong peace of mind?
Sabi nga ni Og Mandino...

“Live this day as if it will be your last. Remember that you will only find ''tomorrow'' on the calendars of fools. Forget yesterday's defeats and ignore the problems of tomorrow. This is it. Doomsday. All you have. Make it the best day of your year. The saddest words you can ever utter are, ''If I had my life to live over again. ''Take the baton, now. Run with it! This is your day! Beginning today, treat everyone you meet, friend or foe, loved one or stranger, as if they were going to be dead at midnight. Extend to each person, no matter how trivial the contact, all the care and kindness and understanding and love that you can muster, and do it with no thought of any reward. Your life will never be the same again.”
Kaya tama na ang away-away... maglambingan na lang palagi. Huwag mong hintayin na masabi mo sa sarili mo na sana ang lahat ng oras na kayo’y nag-away ay ginugol nyo na lang sa paglabing-labing... Habang nandyan pa ang mahal mo, hindi pa rin huli ang lahat… kaya... love love love na lang always...
No comments:
Post a Comment