Wednesday, August 24, 2011

Side Story... Boss [4]

continuation of:
Side Story... Boss [1]
Side Story... Boss [2]

Side Story... Boss [3]

Tumunog ang cellphone ko... (yong tunog ng ascending na tone.. 5110 kasi gamit ko... hehehehe)

"Samahan mo naman akong maghatid sa airport ng mga kaibigan ko. Uwi na sila sa manila.", text mula kay Sir Boss.
"Kelan yan sir?", reply ko naman.
"Sa Linggo na.", text nya ulit.

At dahil Boss ko nga sya, yes for peace na lang ako. Choz. Hehehehe.

Nataon din na pauwing Manila si Wilson kaya ti-next ko lang lang din si Sir na kung pwedeng sumabay si Wilson sa kanyang sasakyan, total medyo malaki naman yon. At pumayag naman sya.

Kaya pagdating na Linggo, hinatid na namin sila sa airport. After konting chika-chika, merienda at hintay boarding, umuwi na kami ni Sir. Pagka-alis namin sa airport sinabi ni Sir na ipapaayos nya pa pala ang sasakyan kasi may konting sira. At habang maghihintay daw kami kasi medyo matatagalan, magpapa-massage daw sya ulit sa akin.

Whoaat!!!???? Massage na naman?.... Hmmm... talagang may balak 'tong si Sir a. At para kunyari malaman ko kung ano talaga ang balak nya (isang malaking choz), pumayag na din ako (curiosity kills the cat, remember).

The Scheme:

- Binigyan ako ng pera ni Sir Boss. Check-in daw ako sa isang hotel (na sa estado ko, may kamahalan.. hehehehe... ako na ang hindi cheap).
- Then iti-text ko sa kanya ang room number. Hmmm... parang sanay na sanay si Sir a..

Kaya, punta na ako sa front desk, inquire ng room rates at pasok na sa banga. I was guided to the room by the bellboy. Habang pini-prepare nong lalaki ang room, tanong naman sya,
"May kasama kayo sir"....
"Wala", automatic kong sagot

Pero feeling ko, alam na yon nila kung ano pwedeng mangyaring kababalaghan. Pero kakaiba nga lang ako kasi hindi sa pipitsuging motel... hehehehe... Kaya ti-next ko na si sir. Makaraan ng ilang minuto dumating naman sya. Deritso sya sa banyo. Naligo. At ako naman nanonood ng tv.

Ready na ang lahat. Mag-uumpisa na ang hilotan... pero sadyang kinakati na si sir at kailangan nya nang magpakamot. Kahit nagdadalawang-isip ako (me ganun? e, alam naman na sa ganito mapupunta.. hehehehe), pikit mata na lang at sumisisid na ako sa sarap ng sabaw ng tunay na pork... hehehehe.

Akala ko ako lang ang magpeperform, hindi pala. Si sir din pala gustong gustong nyang mag videoke. In fairness, parang sanay na sanay na si sir sa kantahan. Napapasipa ako sa sa galing nyang kumanta. Para bang ang tagal nya nang hindi nakakanta at ayaw maagawan ng microphone. Ganung ganun.

Natapos ang kantahan. At umuwi si Sir na pawing-pawi ang uhaw at ako namang masakit ang puson.... hahahahaha... (kayong nang bahalang mag-isip kung bakit... hehehe)

.
.
.
Ito na ba ang umpisa nang buhay ko bilang kabit? abangan....



See Also:
Side Story... Boss[1]
Side Story... Boss [2]
Side Story... Boss [3]
Side Story... Boss [Conclusion]

No comments:

Post a Comment