Wednesday, July 6, 2011

Nakaw Na Mga Gabi

Naging kami na nga ni Dennis...

Subok lamang ang lahat. Walang sense of direction. Basta go lang ng go. Minsan, summer break, medyo matagal na hindi kami nagkita, that very day na pabalik ako sa city, nilagnat ako. Pero pinilit ko pa ring bumalik kasi namimiss ko na sya. And that very night, his kisses and hugs stripped it all. Nawala ang lagnat. At doon ko naisip na in-love na yata ako. Ayon, tinawanan nya lang ako kasi daw kissperin at yakapsul lang pala kelangan ko.

Dahil nga 3rd cousin ko sya, ok lang na palagi ako sa bahay nila. Pero hindi talaga maiiwasan ang mga bulong-bulongan. Pero binalewala lang namin. Kaya para hindi masyadong halata, after klase, bihis lang ako tapos deritso na tambay sa kanila sabay dinner. Kadalasan, pinagluluto nya ako. Masarap ding magluto ang mokong. Palaging may sabaw ang niluluto. Hmmmm.. siguro pini-prepare nya ako palagi na hindi mag-dry... hehehehe.

At dahil inuumaga na akong umuuwi at sarado pa ang bahay na tinitirhan ko, sa bintana ako dumadaan. Minsan pag ginagabi naman syang umuwi, at sarado na ang bahay, sa bintana pa rin ako dumadaan para lang magkasama kaming matulog. Alam mo yong naghahanap ka talaga ng paraan para makasama mo lang ang mahal mo?

I can say na naging maganda ang relationship namin. Nandyan yong nag-enroll sya (2nd course) ulit para lang magkasama kaming umuuwi sa gabi. Ang ginawa ko pa nga, humiwalay ako sa schedule ng magbabarkada para lang magkaroon ako nga schedule na pang-gabi para sabay kaming umuwi. At ang kursong kinuha nya ay associate sa kurso ko para may rason kami nga tuturuan ko sya sa mga major subjects ng kurso namin.

We did many crazy things together. Like petting in the public utility bus. Making love in the kubo sa gitna ng kabukiran. Doing the did in his office and many other unmentionable things.

After a year of schooling, huminto sya. Kasi natanggap sya sa isang canning company na medyo malayo sa city. Nahirapan ako sa time na yon. Panggabi kasi sya. Di ba nga wala pang celphone noon? Kaya ang ginagawa namin, tatawag ako sa payphone tapos hindi ko pipindutin ang talk button para hindi magasto. Sya lang magsasalita. Para kaming mga baliw. Hehehehe. 30 seconds per call ata. Parang drop call lang. Hehehehehe.

I was really so inlove and maybe he was also.

Right after my graduation, we planned na tumira sa isang bahay. And yes, kung may bulong bulongan man, hindi ko na alam. We rented a room. May dalawang kama, pero sa isang kama lang kami natutulog. 2 months akong tambay, at two months nya rin akong sinuportahan. At sa wakas nagkatrabaho rin ako. He also worked as an insurance agent.

There are so many things we planned together dahil secure na kami sa isa't-isa. Syempre pakilala namin sa mga kapit-kwarto, magpipinsan kami. He has his own motorcycle na kasi kelangan sa work nya. And there was never a week na hindi kami gumagala. Sometimes, pag malapit na talaga akong ma-late, hinahatid nya pa ako sa work.

Meron din times na nag-aaway kami. Pero sagutan lang. Walang sakitan. May mga tampuhan pero hindi namin pinalalampas at dapat before matulog, ok na. May mga konting selos pero it doesn't matter naman. (Kung may time ako, at kung may maalala pa ako, gawan ko rin ng post ang selos moment. Hehehehe)

Ako ang tagaluto ng kanin, sya naman tagaluto ng ulam. Sya ang tagalaba (washing machine po), ako naman ang taga-igib ng tubig. Kung magkakasakit ako, inaalagaan nya ako. Kung napapagod sya, minamasahe ko.

I could really say na "this is it". We really did handled our relationship so fine. Umabot na nga sa punto na sa pamilya ko na sya nag si-celebrate ng Christmas at New Year.

Everything was so perfect.... but then...

2 comments:

  1. Hey Juan, I've been reading your stories. Ang ganda ng Dennis stories mo.

    Tulad naman ng mga kwento nating intense, iba talaga ang dating.

    Gustong gusto ko ito:

    "Kaya ang ginagawa namin, tatawag ako sa payphone tapos hindi ko pipindutin ang talk button para hindi magasto. Sya lang magsasalita. Para kaming mga baliw. Hehehehe. 30 seconds per call ata."

    Ang ganda. Nakita ko kung gaano kayo na sabik na sabik sa bawat isa. Hay

    Lagi kong maaalala itong kwento mong ito.

    Kane

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po sa pagbabasa... ganyan po ata tayo pag naadik na sa pag-ibig... ginagawa ang lahat... hehehe...

      Delete