Monday, January 23, 2012

Look who's talking...

2011 was somehow a not so good year for me. Ito 'yong taon na kung saan maraming negative na nangyari sa buhay ko at sa paligid ko. Lalung-lalo na sa buwan ng Disyembre.

Maliban sa mga sakuna na mga nangyari sa Pilipinas (makabayan much), karamihan sa mga negative na ito ay problema sa mga relasyon.

Una na rito, ay sa kaibigan ko. Nangaliwa ang gaga. Hahahaha. Siya pa naman ang babae. Kaya ayon, sa aming magbabarkada ang takbo ng kanyang husband. Kaya ayon todo support naman ako dahil alam ko kung gaano kasakit.

Pangalawa, kaibigan ko rin. Nagloko ang husband. Marami na ngang problema financially dahil hindi pa nagpapadala ang husband from abroad, dinagdagan pa ng mokong ang problema. Kaya ayon todo moral support naman ako dahil alam ko kung gaano kasakit.

Minsan nagbibigay ako ng konting payo sa kanila. Pero kadalasan, ang ginagawa ko lang ay makinig ng makinig ng makinig. Dahil alam ko kung gaano kahirap ang walang mahingahan ng sama ng loob.

Dahil sa taong 2011, pinagdaanan ko din ang sobrang sakit na dulot ng ikaw ay iwan dahil meron na syang iba. Na kahit ako'y nagmakaawa na ako ang piliin nya kasi hindi ko kaya. Na kahit kaya kong lunukin ang pride ko kahit na ako ang naagrabyado dahil I have been always faithful (no joke :( sana nga naging unfaithful na lang ako para hindi masyadong masakit). Pathetic much (yan ang sabi ni Mac). Ang pinakamasakit pa nga, dahil wala man lang akong makausap na super close friends dahil hindi naman nila alam at hindi nila maintindihan (kasi nga hindi ako out).

Kaya nga hindi ako masyado nagpapayo dahil it is so ironic to give advises na ikaw mismo hindi mo kayang gawin ang ina-advice mo. Ika nga "A carpenter cannot make his own house". Kung nag aadvice man ako, I don't expect na susundin yon ng kaibigan ko dahil sya at sya rin ang masusunod kahit na alam nyang siya na ang agrabyado. Minsan nga para safe, sinasabi ko na lang na "do what you think is best".

Pero 2011 yon.

2012 na ngayon. And i always pray that this year will be a better year for me. Masakit mang isipin pero move-on na. The bitter taste of room-temperature beer will be as good as water if you are used to it. The pains of 2011 made me somehow stronger. Life does not end when heartache begins, right?

Kaya sa lahat ng nasaktan, ok lang na paminsan minsan maalala mo ang sakit at mag-emo-emohan. Tao lang naman tayo e. Pero we should not let it bring us down. A day in our life is not worth to be wasted sa pagmumukmok. Kakapagod kaya. Hehehehe.

Kaya be happy always. If you think that your relationship is worth mending and you both want to mend it, then go for it. But if it is like a one way street, better gather yourself and find your own way. And don't ever cried over a spilled spoiled milk. Kuha mo?

(Hala! nag advise ako... look who's talking.... hehehehe)

2 comments:

  1. Madaming nangyari na lokohan sa yr 2011 mo. :) good luck sa 2012...

    ReplyDelete
    Replies
    1. gud luck sila sa 2012... kasi babalatan ko sila at isasaw sa suka at buburan ng asin... hehehe...

      yeah... marami nga... :(

      you can't have things your own way all the time... :(

      Delete