Thursday, June 30, 2011

Snap back to Dennis

Two days after the burial of my father, balik eskwela ulit... balik sa pagpasok sa mga favorite at mga kinababagutan kong mga subject. Ewan ko ba kung bakit talagang hindi ko trip ang History na subject. Parang hirap akong magmemorize ng mga pangalan, petsa at mga lugar. Hindi naman ako bumabagsak, yon nga lang medyo mababa grades ko sa mga ganitong subject.

Syempre, during breaktime, balik ulit sa covered area kung saan malapit ang canteen at doon nag-aaral ang mga estudyante. Ang nakakatuwa lang sa covered area lalo na pag kasama mo ang mga barkada ay ang bumili ng isang large coke at 4 kami ang maghahati-hati. Walang pakialam sa laway basta lang makatipid. Hehehehe.

Siguro mga one week after sa libing, sinabihan ako ng kaibigan ko na may sulat daw ako sa university post office. Alam mo yon noon na wala pang usong cellphone (circa 1997 po ito). At nauuso pa ang VIA AIRMAIL na tinatawag. Kaya ayon, may sulat daw.. daglian akong pumunta sa post office, pakita ng ID sabay kuha sa sulat. Laking gulat ko na ang sumulat pala sa akin ay si Dennis. Medyo nainis ako, kasi magkapitbahay naman kami e bakit pa sya susulat? Yon naman pala, love letter ang sinulat ng mokong. Kesyo gusto nya daw ako, pasensya daw sa ginawa nya, na gusto nya akong makausap. Hindi ko pa alam noon na mahaba na pala ang hair ko. Hehehehe.

Disclaimer po: hindi po ako gwapo or cute noon. Patpatin ako. Medyo maitim. 3 by 4 ang style ng gupit, baduy pumorma at lalong walang bilib sa sarili. Yong tipong hindi mo mapapansin kung nasa crowd. Underdog. Mga ganun. Hehehehehe. 

Napaisip ako na hindi yon tama. Na malaking pagkakamali. Na nakatatak pa rin sa isip ko na aside sa bizzare ang pakikipag relasyon sa kapwa lalaki, magiging incestuous pa kami dahil nga 3rd cousin kami. Kaya hindi ko na lang pinansin. Kinabahan ako sa sitwasyon na nag enjoy din sa idea na may sumusulat sa akin.

At nasundan pa ang sulat na yon. Dahil hindi ako nagrereply, inabangan nya ako sa may bintana ng kwarto nya na madadaanan ko palagi. Tinawag nya ako at tinanong ng palihim kung nare-receive ko ba ang mga sulat nya. Sagot ko naman "oo". Ang titipid ng mga sagot ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin. Virgin na virgin. Inanyaya nya akong pumasok muna daw sa bahay nila. May ipapakita. Pasok naman ako at umupo sa sala. Naghanda sya ng meryenda at dinala sa kwarto nya. Tapos tinawag nya ako na pumasok sa kwarto nya kasi nandoon daw yong ipapakita nya at doon na rin kami magmeryenda.

Hindi ko na alam ang nangyari. Hindi ko madetalye kung ano ang pinakita at pinahawakan nya sa akin. At hindi ko na maalala ngayon kung paanong naging official na kami.

Pilit kong kinumbensi ang sarili ko na bahala na si batman. Na ok lang naman siguro ang ganito. May pag-aalinlangan pero nanaig pa rin ideya na nais kong subukan ang ganitong klaseng relasyon. Na kahit minsan, hindi sumagi sa isip ko na magkakaroon ako ng relasyon na tulad nito.

...
...
...

Naging masaya at masalimoot ang buhay ko kay Dennis. 7 years kaming nagtagal. Kung bakit kami naghiwalay, ikukwento ko sa susunod...

No comments:

Post a Comment