My brother is my nemesis...
Pero hindi naman masyado. Konti lang. I am 4 years older. And maybe that's the reason kung medyo malayo loob namin sa isa't-isa.
He's the blacksheep of the family. Ako, nag-aanghel-anghelan (hehehehe)
Adiktus s'ya noon (ewan ko lang ngayon). Ako, tumitikim tikim lang.
College undergrad. Ako, graduate.
He's certified lalaki. Ako, certified nanglalalaki (hehehe... pero hindi naman ako haliparot [disclaimer ba? hehehe])
I was 17 and he was 13 when our father died. I cried hysterically and i just don't know with him. But i guess he suffered emotionally more than I do. Mas close kasi sila ng tatay namin. Kung hindi lang nag-high school ang kapatid ko, tabi pa rin silang matulog ni Papang. Kaya nga ngayon ko lang talaga na realize na siguro mas nasaktan kapatid ko. And also my brother was there when our father died. Bakasyon nila sa highschool kasi lahat ng teachers may retreat.
So it was my brother who broke the news to my aunt (my father's sister). Wala pa kasi kaming celphone noon. Which my aunt in turn broke the news to me. So after kong naglupasay umiyak, i have private time with my brother in our room (nakikitira lang kami sa bahay ng auntie ko habang nag-aaral).
Tanong ko, "ano bang kinamatay ni Papang?"
Sagot nya, "cardiac attack daw."
Biglang natawa ako don. nag eemote emotan na ako tapos yon ang sagot nya. hehehehe. kaloka konti. Syempre good brother ako kuno kay kinoreksyonan ko. Hehehehe. Kaya ayun, pag tinanong mo ulit kung ano kinamatay ni papang, tamang "cardiac arrest" na ang sagot nya. hehehehe
At dahil sa pagkamatay ni Papang, nagreklamo ang kapatid ko. Kasi ba naman, sandamakmak na coins ang pinadala ng school sa kanya bilang abuloy. Kaya para mabawasan ang bigat, ginasta nya yong iba. Hehehehe.
Friday sya lumuwas sa lungsod, kaya kinabukasan sabado, sabay kaming umuwi sa barangay namin. Sakay na kami ng jeep ngayon. Syempre tahimik kami, biglang umulan ng konti kasi may tumilamsik sa mukha at bunganga namin.
Sabi ko, "ano ba yan, kung kelan malapit na tayo saka naman uulan."
Kinalaonan, nagtaka ako, wala namang palang ulan, e bakit may tumilamsik sa mukha namin at may tumutulo pa sa shirt ko?
Sabi ko sa sarili ko, "a baka may bumili lang ng kangkong." Ang kangkong kasi doon sa amin, binibili na isang bugkos para pampakain sa mga baboy at ano mang hayop na kumakain ng kangkong. Tapos bago yon kinakarga sa topload ng jeep e binabasa muna yon. Kaya ang tubig na ginamit pangbasa sa kangkong baka kako yon ang tumutulo.
Kaya deadma na lang ako dahil kangkong naman siguro yon. Kaya papahiran ko na lang.
Dumating na kami sa aming destinasyon. Baba na kami. Tiningnan namin ngayon nga kapatid ko ang source ng tilamsik at tulo.
Walang kangkong na binababa at hindi kangkong ang pinagtulungan nilang ibinababa...
Laking gulat namin na dalawang kambing ang pinagtutulungan nilang ibinaba.... waaaaaaaaaa
No comments:
Post a Comment