Friday, September 2, 2011

Good Deed? Ako na ang mabait...

Ligo. Bihis. Pabango ng konti. Labas ng bahay papuntang MOA.

Habang nag-aantay ako ng bus na aircon (ayoko muna sa jeep, mainit e... hehehe), sumakit ang tyan ko. Tinanong ko ang sarili ko... Kaya ko pa bang mag muscle control or not? At bilang sagot sa aking katanungan... kaya ko pa pero ayokong mag gamble... kaya uwi ulit sa bahay para magdeposito sa banko. Makakahintay pa naman siguro ang kaibigan ko na nandoon na sa MOA.

After my bank transaction sa bahay, balik ulit ako sa EDSA para mag-antay ng bus papuntang MOA. At hindi rin naman matagal ang paghihintay ko at nakasakay kaagad ako sa airconditioned bus papuntang MIA na dadaan ng MOA (ang daming explanations.. hehehe).

Umupo ako sa tatluhan. Sa gitna ako ng dalawang pasahero. Habang papalarga ang bus, tinanong ako ng katabi kong babae,

"Malayo pa ba ang MOA?", tanong nya.
"Malapit na po, doon po sa may malaking globe.", sagot ko.
"Pupuntahan ko kasi ang pamangkin ko na nagtatrabaho sa MOA. Pero hindi pa ako sigurado kung doon pa sya nagtatrabaho.", dugtong nya.
"A ok.", maiksi kong sagot.

At doon na nagkwento si Lola. Yup, matanda na po sya. tantya ko mga lampas 70 na sya. Kwento nya na taga Bacolod sya. At dahil alam ko na ang mga taga-bacolod ay mga Ilonggo, at dahil ilonggo din po ang inyong likod, nakipag-usap ako sa kanya using our malambing na dialect.

Kwento nya na inihatid nya daw ang anak nya sa airport kasi babalik na sa New Zealand para magtrabaho. At sa Pampanga sila nakikituloy ngayon pero uuwi na rin sya kinabukasan sa Bacolod. Unfortunately, na-snatch ang wallet/pouch nya habang nagbabayad sya sa jeep galing airport papuntang terminal pa-Pampanga. Kasama sa pouch, na na-snatch ng kasing edad ko daw, ay ang kanyang cellphone at pera na almost 7 thousand kasama na ang ibang pera in foreign currencies.

Kung bakit kasi mang-snatch pa di ba? Pwede naman siguro silang maghanap ng matinong trabaho. Easy money kasi ang gusto nila. Hahay. Kawawa naman si lola.

Kaya ang ginawa ni lola, pumunta na lang sya sa distant relative nya rin na nagta-trabaho sa SM-Makati para humingi ng tulong. Kaya lang hindi rin sya mapapahiram ng pera nong relative nya kasi kasalukuyang sya ang tumataguyod sa mama nya na may breast cancer. Kaya binigyan lang sya ng relative nya ng sampung piso para pamasahe papuntang MOA para mahanap ang pamangkin nya.


"Paano po kung wala na doon ang pamankin nyo?", tanong ko.
"Sabi nong relative ko pwede naman daw akong matulog doon sa Baclaran Church.", sagot nya.

As in whoaaat? (sa isip ko lang). Ganon kawalang sympathy ang relative nya? Kaya tinanong ko si lola.
"Magkano po ba ang pamasahe pauwing Pampanga?"
"Mga 200, senior citizen naman ako, may discount.", sagot nya.
Napaisip ako and i was weighing the odds. Magkano lang naman ang 200 bakit hindi ko na lang sya bigyan. Pero sa time na yon, wala pang sweldo. At super tipid ako that time parang 500 na lang ata natira sa ATM ko. At may limang araw pa akong hihintayin para sweldo time na. Kaya sabi ko sa sarili ko na bahala na. Pwede naman siguro akong manghiram na lang muna kung hindi na kaya sa matirang pera. Kaya gow na. Swim na sa kahirapan matulungan lang si Lola.

Kaya sinabihan ko si lola na bigyan ko na lang sya ng 200 para hindi sya mahirapan sa paghahanap. Laking pasalamat ni lola. Hulog daw ako ng langit. Kasi nag-pray daw sya na si Lord na lang ang bahala sa kanya. At mangiyak-ngiyak sya. Kaya pagdating namin sa MOA, nag withdraw na ako ng 200 para ibigay kay lola. Matapos kung ibigay ang pera, hiningan nya ako ng number. Sabi ko na wag na lola, ok na yan. Pero pinilit nya talagang makuha ang number para mapasalamatan man lang daw ng anak nya at sinulat ko na sa tissue ang number ko.

Sabi ko sa kanya na samahan ko na sya sa paghanap sa pamangkin nya pero sabi nya na huwag na lang daw. Kaya sabi ko na mag-ingat na lang sya. At nagbeso-beso na kami (feeling close... hehehehe). At dumeritso na ako sa food court ng MOA para puntahan ang naghihintay kong kaibigan na nauna nang kumain dahil gutom na sya.

Nangyari ito April this year.

Pero hanggang ngayon (September 2011), wala man lang akong na receive na text or tawag galing sa kanya or sa anak nya. Hindi naman sa naghihintay akong mapasalamatan, ang sa akin lang e malaman na ok sya at nakarating sya ng Pampanga na safe.

Kaya naisip ko tuloy:

Was i meant to go back sa bahay para magdeposito upang makasabay ko si lola sa bus?
Did i do a good deed?

or Naloko lang ako ni Lola?...


Kaya iniisip ko na lang na whatever ang intention ni Lola, sana nakatulong ako sa kanya kahit sa konting halaga man lang. Bahala na si Bathala sa kanya.

Sana safe si Lola.

6 comments:

  1. wow ang lambot ng heart. very nice, atleast nakatulong ka, wag mo nang isipin kung niloko ka ni lola o totoo kasi hindi naman siya nanghingi sa iyo, kusang sinabi sa iyo ng konsensya na tulungan mo siya. Sana nga safe si lola. Kung hindi man siya nakarating sa paroroonan niya at natulog siya sa Baclaran, may tutulong at tutulong sa kanya doon.

    ReplyDelete
  2. @mark... sana nga safe si Lola...

    hindi naman masyadong malambot ang heart ko, minsan tonto din... hehehehe

    ReplyDelete
  3. naku M.O lang yan! nayari ka ni lola! chos!


    ang bait mo naman! wag masyado baka kunin ka agad ni you know! LOL

    ReplyDelete
  4. @mac... bahala na si you know sa kay lola... hehehehe... superficial lang ang bait-baitan ko... pero sa totoo, angel ako... with black wings... hehehehe

    ReplyDelete