Monday, March 19, 2012

Side Story... DJ

This side story is about Lee whom i have already mentioned here.

He was my bestfriend in elementary. Hindi ko alam basta bestfriend kami. Kami yong mga umi-excel sa klase. Kami yong panlaban ng school namin sa mga contest contest. Sa katunayan (hindi naman sa pagmamayabang), kaming dalawa yong palaging naglalaban sa unang karangalan. Hehehehe. (Pero pagdating sa high school at college, eklat na... walang dangal na... hehehe)

After elementary graduation at naghihintay na lang ng enrollment sa highschool, at habang ako'y nakahiga sa folding bed sa labas ng bahay (pero sa loob pa rin ng compound.. ayan ha klaro yan, baka sabihin nyo na paglabas ng bahay riles na... hehehe... at saka walang riles sa barangay namin ano...), dumating si Lee. Wala lang. Gusto nya lang ibigay ang graduation picture na kaming dalawa. Hehehehe. And sweet nya lang na bestfriend di ba?... Promise walang malisya doon. We're just friends ano, kaya wag nyong bigyan ng kulay. Hindi pa ako marunong lumandi ng mga panahong yon. (hanggang ngayon... hehehe)

Kaya ayon, last namin na pagkikita non. Sa malapit na syudad sya nag-aral ng highschool at ako naman sa malayong unibersidad sa norte ng land of promise. Nabalitaan ko na lang lumipat sya sa gitnang pilipinas upang magpatuloy sa pag-aaral. At sa hirap ng buhay kelangan nyang maghanap buhay upang makapag-aral.

As in wala na talaga kaming communications until grumaduate ako ng college.

Nakakuha ata ako ng address nya noon at sinulatan ko sya. Kaya nag reply naman sya. At dahil dyan, nagselos si Dennis sa kanya. Hahahaha. Promise friends lang talaga kami ni Lee.

Many months after naming maghiwalay ni Dennis, napag-alaman ko na nagta-trabaho na pala si Lee sa Lungsod ng Durian. E nataon naman na may seminar ako doon, kaya tinawagan ko ang radio station kung saan sya isang disk jockey.

Syempre hindi ko alam kung ano ang time slot nya, kaya iba yong nakasagot ay iniwan ko na lang ang phone number and room number ng hotel na tinutuluyan namin ng mga kasama ko.

And so he called back and invited me to his program. After his program, hmmmm mga 2am na yon, with his other friends, pumunta kami sa isang restaurant na bukas 24 oras upang mag Lomi. At dahil sabi nya na wala syang kasama doon sa bahay na inuupahan nya kasi sem break ng mga estudyante nyang kasama, at dahil din natatakot sya, nag-offer na lang ako na sasamahan ko muna sya doon at uwi na lang ako ng mga 6am kasi maaga pa kaming aalis pauwi.

Pagdating sa bahay nila, higa agad ako sa sofa kasi napagod ako sa kalalakad. Di kalaonan, tumabi sya sa akin sa sofa at nahiga rin sabay sabing "Na miss ko ang bestfriend ko" at bigla nya akong niyakap sabay dantay ng kanyang isang legs sa pagitan ng aking dalawang legs...

At doon nagsimula ang dapat hindi sinimulan....

5 comments:

  1. oooooooh!!!! simulan na yan! ahahaha :D
    "hey mister DJ put a record on i wanna dance with my.... oh yes mister DJ! yes! put that record in!" haha echos lang :D
    hmmmmm makes me think of my best friend nung grade school days. hinalikan n'ya ako pero nailang ako. may ibang tao kasi. umalis ako. tapos nalaman ko after a day or 2 lumipad na s'ya patungo sa kung saan. haaaaayyyyy. anyway may nangyari naman sa amin kaya keri lang. ahihihihihi :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. basta bespren landi-landian kasi yan.. hahaha... baka inlove si bespren mo sa'yo...

      ano kayang nangyari sa inyo? hmmmm... limas na ang morbid thoughts ko e... :) hehehe

      Delete
    2. uy di lahat ng bestfriend eh landi-landian ah..yung bestfriend ko ngayon wala pa talaga nangyayari sa amin. seriously. people think na meron na pero wala talaga. we just have different preferences i think.
      anyway about my grade school bestfriend: haha i guess so. baka nga. sanaaaaaa!! hahaha... but he has a girlfriend now. hindi yung girl na friend ah. yung girlfriend girlfriend. haha :D
      pero yah i think of him sometimes.
      actually yung nangyari naman sa amin eh curiosity project lang. hahaha. walang oral exam na naganap or pagpasok ng airplanes. naglaruan lang kami ng mga unggoy. hahaha :D

      Delete
  2. Sa bff ko WALA. Syempre babae sya. Hello.. Pero alam nya na sexcapades ko.. Me mga friends din na close closan, pero open open butas pla at night. hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano kayang butas yan? #curiositykillsthecat... hehehe

      Delete