Thursday, February 16, 2012

My Boo [3]

Para masubaybayan nyo:

My Boo
My Boo [2]


November 17, 2006

Juan:   Cge nood tayo ng sine.
Tony:  Ok it's a date.
Juan:   Naku, birthday pala ng kaibigan ko... pero cge ok lang... magkakabirthday pa din naman sya next year e... hehehe
Tony:  6:00pm ha. magkita na lang tayo sa labas ng sinehan..
Juan:   Shoot...

At dahil ayaw ko ng tagalog movies, ang pinanood namin ay "The Covenant"... at huwag nyong matanong sa akin kung ano ang story ng "The Covenant" dahil sadyang hindi ako maka-concentrate sa movie... hehehehe... ooopsss ooopsss opssss... mali ka dyan, wala kaming ginawang masama... nag-uusap lang kami ano... hindi kaya ako super landi... i still value chastity kaya... hehehehe...

Nakaupo kami sa pinakadulo ng balcony. Sa umpisa, nagkahiyaan pa kami. Walang unang umimik... nagpapakiramdaman... Alam mo yong feeling na kinakabahan ka pero nangiti dahil hindi mo lubos maisip na mangyayari ang ganun? Di ba parang praning lang? hehehehe. Ngunit dahan-dahan ring nagkadikit ang aming mga braso... at nanlamig ako... waaaaa...

Natapos ang movie pero wala akong naintindihan sa movie.. at wala ring kaming napag-usapan... hahaha... E paano ba naman, hindi ko alam kung paano mag-umpisa. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin. Nagsitayuan na lahat ng tao ngunit nagpa-iwan kami... At ang nangyari, inulit ulet namin ang movie dahil kapwa hindi namin gustong tumayo at matapos ang gabi... hehehehe...

After ng movie, pumunta kami sa pinakamalapit inn (hindi ako easy to get ano!) coffee shop. Hindi Starbucks kasi wala namang Starbucks sa bukirin e... hehehe...

Juan: So ano na?
Tony: E di eto na... hehehe
Juan: Bilis naman... hehehe
Tony: Ganun talaga...
Juan: Pero wala munang expectations ha, go with the flow na lang muna.
Napag-usapan namin ng konti ang mga pasts. At iba pang mga walang kwentang bagay pero ewan ko ba kahit walang kwenta ay ngumingiti ka... hehehe.. parang adik lang...

At dahil lumalalim na ang gabi, kelangan na naming umuwi. At dahil isang way lang kami, sabay na kami sa tricycle. Nauna syang umupo kasi mas mauna akong bababa. Magkatabi kaming magkadikit ang mga braso, kasi naman medyo masikip ang tricycle. At nagulat na lang ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko. Napangiti lang ako sabay pisil sa kamay nya.

Nang malapit na ako sa bababaan ko, laking gulat ko ng nakawan nya ako ng halik sa pisngi. Anovah, he's so mabilis. hindi ako reydi... hehehehe... At dahil pa-demure pa ako, sinuklian ko lang sya ng ngiti... hehehehe

Pagdating ko nang bahay, deritso half bath na ako para ready nang matulog. Tiningnan ko ang cp ko.... and i received...
.
.
.
.
.
.
sangkatutak na missed calls at text messages mula sa mga kaibigan ko at nagtatanong bakit hindi ako pumunta sa birthday ng kaibigan ko... hahahahahaha...

at syempre isang matamis na goodnight galing kay Tony... hehehe



8 comments:

  1. i think that's a very common dilemma ng karamihan kapag nakikipag date. how to start a conversation.
    and when they do, next problem is how to keep the river flowing. hehehe

    nyways, medyo matagal na pala ito juan? :))
    twas nice though. especially, your sense of humor.
    hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. cguro gawan mo ng DATING 101 to chris... hehehe

      you'll read more of this pa sa mga susunod na mga araw... hehehe

      Delete
  2. hahahhaah naaliw ako sa dram niyo.pero sayang mas gusto ko na sana pedro ang pangalan ni Tony.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isipin mo na lang na Pedro yan... hehehehe... napa-smile nga ako nang maalala ko to... lels...

      Delete