Monday, October 17, 2011

Side Story... Aaron [2]

Here's the first part...
Side Story... Aaron

Nang may kumatok uli.

"Kuya Juan, bilisan mo daw, marami nang naghihintay sa'yo doon sa plaza..."
"Oo na.. susunod na.", inis kong sagot.

Tiningnan ko ngayon si Aaron. Medyo disappointed per malalaman mo na naiintindihan nya. Humingi ako ng sorry. Nagbihis ako at dali-daling umalis. Umalis akong hindi man lang nakuha ang celphone number nya.... ang tanga ko.... waaaaa... Pero ganun pa man, kung magkikita pa kami... then we were meant to see each other...

Natapos din ang programa. At super pagod ako. Pwede naman lakarin pauwi kaya lakad-lakad na lang ang ginawa ko. And to my amazement... nakita ko si Aaron....

Are we really meant to see other? Hmmmm... The sad part was... may dala na syang bag. Tinawag ko sya at tinanong kung saan sya pupunta. Uuwi na daw sya sa syudad. Nakakalungkot man pero ganun siguro ang buhay. Sabi ko sa kanya na ihahatid ko na lang sya sa terminal. Pumara kami ng tricycle at magkatabi kaming sumakay. Tinanong ko sya kung saan sya nagtatrabaho. Nurse daw sya at sa isang pribadong hospital nagtatrabaho. At pauwi na sya kasi may duty pa sya. Magkadikit ang aming mga balikat habang nakasakay sa tricycle at dahan-dahan nyang kinuha ang aking mga kamay at mahigpit itong hinawakan. Sumakay kami sa tricycle na balot ng katahimikan pero alam mong at ease ka kasi parang nagkakaintindihan kayo.

Alam mo yong magkahalong lungkot, saya at paghihinayang ang nararamdaman mo? Ewan ko pero Aaron feels different. Different in the sense na he feels good to be with. Sa konting panahon naming nagkasamang semi hubad, parang may koneksyon akong nararamdaman sa kanya. Na para bang gusto kong sumama sa kanya. Na para bang may hindi ma-explain na feeling na mas gusto mo pang makilala ang taong ito. Hindi naman siguro ito love at first sight. Probably, it was like at first interrupted sex. It is one of those feeling na kung nananaginip ka man, ayaw mo pang magising kasi gusto mong ipagpatuloy ang kung anong meron ang may maihahatid sayo nang moment na yon...

Now my question still stands...

What if you found the one that was meant for you? Would you give your best to give it a try?


2 comments:

  1. o tapos ano na?tapos na ba ito?ano nangyari kay aaron na basta na basta nalang nanghahalik sa bahay ng may bahay?LOL

    ReplyDelete
  2. @mac... may part 3 pa... in draft mode... i will post it later...

    ReplyDelete