Wednesday, August 24, 2011

Side Story... Boss [4]

continuation of:
Side Story... Boss [1]
Side Story... Boss [2]

Side Story... Boss [3]

Tumunog ang cellphone ko... (yong tunog ng ascending na tone.. 5110 kasi gamit ko... hehehehe)

"Samahan mo naman akong maghatid sa airport ng mga kaibigan ko. Uwi na sila sa manila.", text mula kay Sir Boss.
"Kelan yan sir?", reply ko naman.
"Sa Linggo na.", text nya ulit.

At dahil Boss ko nga sya, yes for peace na lang ako. Choz. Hehehehe.

Nataon din na pauwing Manila si Wilson kaya ti-next ko lang lang din si Sir na kung pwedeng sumabay si Wilson sa kanyang sasakyan, total medyo malaki naman yon. At pumayag naman sya.

Kaya pagdating na Linggo, hinatid na namin sila sa airport. After konting chika-chika, merienda at hintay boarding, umuwi na kami ni Sir. Pagka-alis namin sa airport sinabi ni Sir na ipapaayos nya pa pala ang sasakyan kasi may konting sira. At habang maghihintay daw kami kasi medyo matatagalan, magpapa-massage daw sya ulit sa akin.

Whoaat!!!???? Massage na naman?.... Hmmm... talagang may balak 'tong si Sir a. At para kunyari malaman ko kung ano talaga ang balak nya (isang malaking choz), pumayag na din ako (curiosity kills the cat, remember).

The Scheme:

- Binigyan ako ng pera ni Sir Boss. Check-in daw ako sa isang hotel (na sa estado ko, may kamahalan.. hehehehe... ako na ang hindi cheap).
- Then iti-text ko sa kanya ang room number. Hmmm... parang sanay na sanay si Sir a..

Kaya, punta na ako sa front desk, inquire ng room rates at pasok na sa banga. I was guided to the room by the bellboy. Habang pini-prepare nong lalaki ang room, tanong naman sya,
"May kasama kayo sir"....
"Wala", automatic kong sagot

Pero feeling ko, alam na yon nila kung ano pwedeng mangyaring kababalaghan. Pero kakaiba nga lang ako kasi hindi sa pipitsuging motel... hehehehe... Kaya ti-next ko na si sir. Makaraan ng ilang minuto dumating naman sya. Deritso sya sa banyo. Naligo. At ako naman nanonood ng tv.

Ready na ang lahat. Mag-uumpisa na ang hilotan... pero sadyang kinakati na si sir at kailangan nya nang magpakamot. Kahit nagdadalawang-isip ako (me ganun? e, alam naman na sa ganito mapupunta.. hehehehe), pikit mata na lang at sumisisid na ako sa sarap ng sabaw ng tunay na pork... hehehehe.

Akala ko ako lang ang magpeperform, hindi pala. Si sir din pala gustong gustong nyang mag videoke. In fairness, parang sanay na sanay na si sir sa kantahan. Napapasipa ako sa sa galing nyang kumanta. Para bang ang tagal nya nang hindi nakakanta at ayaw maagawan ng microphone. Ganung ganun.

Natapos ang kantahan. At umuwi si Sir na pawing-pawi ang uhaw at ako namang masakit ang puson.... hahahahaha... (kayong nang bahalang mag-isip kung bakit... hehehe)

.
.
.
Ito na ba ang umpisa nang buhay ko bilang kabit? abangan....



See Also:
Side Story... Boss[1]
Side Story... Boss [2]
Side Story... Boss [3]
Side Story... Boss [Conclusion]

Tuesday, August 23, 2011

Side Story... Boss [3]

Feeling ko sobrang overdue na ang Sir Boss story na to... kumbaga sa buntis, baka tinubuan ng ng pangil ang baby... hehehe... kaya heto na...

continuation of:
Side Story... Boss [1]
Side Story... Boss [2]

E ano pa ba ang magagawa ko, persistent talaga si koyah este ateh este Sir Boss pala. At saka, isa lang akong hamak na empleyado na marupok di ba? Choz... hehehehe...Kaya nagmadali din naman ang virgin. Naligo, nagpabango, nag briefs, nag pantalon, nag t-shirt na puti at nasuot ng class "a" na nike shoes with matching hati sa gitna hair style. me ganun? hehehehe.

Dress like a pro naman ako di ba? hehehehe... parang jologs lang...

"Saan tayo pupunta sir?", tanong ko na may halong kaba.
"Punta tayo don sa mga kaibigan ko na mga theater artists sandali.", sagot nya.

Aba, wholesome pala ang pupuntahan namin. Kasi may mga kasama naman pala kami. Pagdating namin sa Apartelle...

"Sir, yong ni-reserve nyo na room yong nasa dulo." sabi ng caretaker.

Kinuha ni Sir Boss ang susi at deritso na kami sa room. Pero bago kami pumasok sa room, pumunta muna sya sa mga kaibigan nya. Ewan ko kung ano bang gusto nyang palabasin. At sinabi nya pa ata na magpapa-massage sya sa akin. Eh, di ba sadyang malisyoso ang isipan ng mga tao? Ano kaya ang iniisip nila about that time? hmmmm.... Medyo hindi naman pala wholesome kasi kami lang pala dalawa sa room..... well, pasok na kami sa room...

"Hubad ka na.", sabi ni Sir Boss.
"Sir, wala po akong extrang shorts na dala." pa-demure ko na sagot.
"Briefs ka lang, mahihirapan kang mag-massage nyan kasi nakapantalon ka." wika nya ulit.

At dahil masunuring bata naman ako, hubad din ako ng pantalon.

"Pati t-shirt mo na din para hindi madumihan." dagdag pa nya.
Gosh, parang nasa sex scandal lang pala ako by that time... hahahaha...

Naghubad na rin si sir. Naka-briefs na lang sya. Binigay nya sa akin ang scented oil na dala nya at humiga na sya.

"Tingnan nga natin ang galing mo sa pagmasahe", sabi ni Sir.
"Naku sir, di ba sabi ko sa'yo na hindi naman talaga ako expert. Marunong lang ako ng konting pisil-pisil.", sagot ko.

Sinimulan ko na ang masahe...

"Hmmmmm.. may touch ka din naman pala. Cge, diin mo pa. Harder.", sabi ni Sir.

Napa-smile lang ako. Compliment na yon para sa akin e... hehehehe

Pagkatapos sa likod, legs at paa, tumihaya na si Sir. At may napansin ako... gosh, affected si Sir sa massage ko. At may konting basa pa ang briefs nya. Kung si Ms. Chuni pa, nag-ala Felix Bakat si Sir Boss. Tempting kasi may kalakihan din si felix bakat. hehehehe. Medyo kinabahan ako kasi baka may mangyaring masama sa virgin-virginan kong image. At hindi pa ako ready... hehehehe.

Massage uli sa dibdib, kamay, singit (hmmm), paa... dagdag oil dito, dagdag oil doon...
Natapos din ang massage... hay, salamat... medyo napagod din ang mga fingers ko... hehehehe

Sa kabuuan, walang nangyaring quirky something... hehehehe... pigil to the max kasi ako. At ayokong ako ang mauuna. Ano na lang ang sabihin ni Sir noon kung nag take advantage ako di ba? Na ako na ang maharot? No way...

Matapos ng nakakapagod na masahe, kasama yong mga kaibigan ni sir, kumain kami ng mainit at masarap na batchoy with pan de sal...

Akala ko doon na matatapos ang masahe session namin ni Sir Boss.... hindi pa pala.....


See Also:
Side Story... Boss[1]
Side Story... Boss [2]
Side Story... Boss [4]
Side Story... Boss [Conclusion]

Discipline...

Pix Source: Alex Hughes Cartoons


Heto, sumasakit ang ulo ko dahil sa sobrang tulog... haayyy...

Pero kaninang umaga, nagising ako dahil sa ingay ng kapitbahay (not the mag-asawang nag-away). Ito yong kapitbahay ko na palaging nakikipagdiskusyon sa mga nakakalaban nya in an abogado way. Though may punto naman sya pero ang dating or ang pinalalabas nya e "'i'm the superior and kayo ang mga idiots"... hehehe

Pero hindi ang mga hakot boys ang kalaban nya kanina. Pinagagalitan nya ang kanyang anak.
Feeling Abogado: Alam mo ba ang ginagawa mo doon sa labas. Sigaw ka ng sigaw!!!
Anak: huhuhuhu
Feeling Abogado: Sige sumigaw ka!!!
Anak: Aaaaaa... huhuhuhuhu
Feeling Abogado: Sigaw ka pang litse ka!!!!
Anak: Aaaaaa.. huhuhuhu.
Tsk.. tsk.. tsk... eto talagang si amang feeling abogado... pinapagalitan nya ang anak nya dahil sumisigaw sa labas pero ang ginagawa nya naman, sya itong mas malakas ang boses at pinasisigaw pa ang anak as punishment... kawawang bata.

At heto pa, sumali ang asawa.

Asawa: Ano ba yan?!! (medyo pasigaw din)
Feeling Abogado: Etong anak mo nagsisisigaw sa labas, hindi mo man lang madisiplina!!!
Asawa: Paano ko yan mabantayan, e nagluluto ako!!!

Kaya ang sabi ng ina sa mga anak:
"Mga putang-ina ninyo!!! Wag na wag mayong mapunta sa computer ngayong araw!!!!"
.
.
.
.
Tsk.. tsk.. tsk... minumura mo ba ang sarili mo teh?


Kahit medyo inis, natulog na lang ako ulit... haaysst...



Sunday, August 21, 2011

Twitter....

Hey guys, i'm on twitter na. Naks...

Pero para lang akong tanga. Sino pa-follow sa akin? hahahaha... I don't really have friends here in blogosphere... para lang akong si Rumpelstiltskin. Walang friends.... hahahahaha.. Ginawa ko lang naman to to follow interesting people. Ako na.. ako na ang tsismoso... hahahahaha...

by the way, my ID >>>  juanmediocre

B A B A LA:

Don't follow me. I'll follow you..... hehehehehe.

Thursday, August 18, 2011

Lover's Quarrel


Nag-aaway na naman ang mag-asawa na kapitbahay ko. Syempre maririnig ko talaga kasi nga night owl ako e. Tinataon nila ang away nila kung kelan tahimik na ang mundo.
.
.
.

Napaisip tuloy ako.... na kung talagang mahal nyo ang isa’t-isa, bakit ba sinasayang nyo ang panahon sa pag-aaway? Oo, sinasabi natin na walang perpektong relasyon. Minsan pa nga, bilang depensa kung bakit nag-aaway e sinasabi na “spice of relationship” daw. Pero hindi ko pa rin ma-gets na ang magiging reason ng sagutan, iyakan, dabugan kung minsan pa nagkakasakitan e dahil lang sa mga walang kwentang bagay na pwede namang pag-usapan. Yes, ako na ang idealistic. Pero pwede naman iwasan na sumama ang loob nyo di ba?

Isipin nyo na lang na ang lahat ng bagay ay may katapusan. Maging ang relasyon. Kahit na ang pag-iibigang tapat ay nawawakasan din kung ang puso nyo ay hindi na pumipintig. Na sana, sa bawat oras, minuto at segundo kayong magkasama, sulitin nyo ang panahong ito na kayo’y laging masaya. Di ba mas mararamdaman nyo kung gaano nyo kamahal ang isa’t-isa na kahit binabalot kayo ng katahimikan habang nakaupo lamang sofa na magkahawak ang kamay? Na maririnig nyo ang bawat pintig ng puso at paghinga hanggang sa makatulog kayong may ngiti sa mga labi at mayroong peace of mind?

Sabi nga ni Og Mandino...

Curiosity Kills the Cat... [2]

bakit kaya palaging umuungol sa kapitkwarto ko?
at may dagdag sound pa na parang uga ng kama...

bakit kaya?

Side Story... Boss [2]

continuation of.... Side Story... Boss [1]

After sa mga walang katapusang durian party... nawala sa eksena si Sir Boss. Siguro nagsawa na sa kakalibre  at walang return of investment... hehehehe... Hindi naman sya nagparamdam. Kaya naisip ko na hindi naman siguro totoo ang mga kuro-kuro ng mga tsismosa kong katsismisan... Hehehehehe...

Mabilis na lumipas ang panahon, kasabay rin ng bilis ng mga pagbabago. At dahil sa pagbabagong 'yon, nag-krus ulit ang landas namin ni Sir Boss...

Dahil nagtatrabaho ako sa isang kumpanya na maraming sister companies, naisipan ng real boss ko na kailangan nilang mag-setup ng IT Team para ma-automate ang transactions ng isa nilang business. At napagkasunduan nila na magiging parte ako ng bagong team (na kung saan nakilala ko si Alex)... At ang mamumuno sa amin ay si Sir Boss.

Dahil apat na taon na ang nakaraan, may celphone na ako. At dahil may celphone na ako, syempre ibibigay mo sa Boss mo at doon na nagsimula ang beginning... hehehehe

Uso noon yong 300 pesos worth na call card sa smart na mabibili mo ng mura sa halagang 175 ata. E dahil may kaya silang magpamilya, may mga access sila sa mga ganong bagay. Ironic ano? Kasi dapat tayong mga wa' dats ang makaka-avail nyan kasi keri naman ng mga madatong na magwaldas kahit na ang load na 300 ay bilhin nila ng 500 di ba? Hehehehe. Kaya nga siguro sila yumaman kasi mahilig sila sa mga discounted na mga bagay. Ang natitipid, iniimbak sa banko ubang tumubo... hehehehe

Kaya ayon, dahil nga mura, nagsikuhaan kami. Minsan lang ang mga opportunities na ganon di ba? Ang classic pa nyan, pwedeng utang. Hehehehe...

At dahil doon napadalas ang text text namin ni Sir Boss. Sa umpisa, business-like ang palitan namin ng mensahe. Hanggang sa naging personal. Mga insinuating na messages na medyo nakaka-L. Minsan nabanggit nya na gusto nya raw magpa-massage. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko, sabi ko naman marunong akong mag-massage na sa totoo lang hindi naman talaga. Yong konting hilot hilot lang sa likod ng mga ka-officemates ko... hehehehe... Nakakita ngayon ng pagkakataon si Sir Boss. Sabi nya magpapamasahe daw sya sa akin at dahil mahaba ang hair ko sa armpit, i declined.... hehehehe

Makailang beses ata akong nag-decline. At hanggang sa parang galit na ang tono ng text ni Sir Boss. Natakot naman ako kaya "yesshh for peace" na lang ang virgin-virginan na ako. hehehehe.

May bisita noon si Sir Boss. Mga theater artists ata from manila na ini-house nila sa isang apartelle...

Linggo...

"O saan ka na? Massage mo na ako?", sabi nya.
"Dito ako sa bahay sir, as in ngayon na?, sagot ko.
"Oo, cge susunduin na lang kita sa kanto nga boarding house mo.", text nya.

E ano pa ba ang magagawa ko, persistent talaga si koyah este ateh este Sir Boss pala. At saka, isa lang akong hamak na empleyado na marupok di ba? Choz... hehehehe...Kaya nagmadali din naman ang virgin. Naligo, nagpabango, nag briefs, nag pantalon, nag t-shirt na puti at nasuot ng class "a" na nike shoes with matching hati sa gitna hair style. me ganun? hehehehe.

(gala muna ako... ipagpatuloy ko na lang sa part 3 ang mga nangyari... hehehehe)


See Also:
Side Story... Boss[1]
Side Story... Boss [3]
Side Story... Boss [4]
Side Story... Boss [Conclusion]