Monday, March 11, 2013

Why...

"Hindi pwedeng kaming dalawa... Hindi mo na ba ako mahal?", tanong nya.

"Mas masaya ako sa kanya...", sagot ng isa.

"Sige aalis ako...", bitbit ang kanyang pouch kasama ang kanyang damdaming puputok na pero ni hindi sya makaluha.

"Uuwi ako ngayon, hintayin mo ako mag-usap tayo...", sabi ng gago habang nasa pinto na ang isa.

"Ano pang pag-uusapan natin. Pinili mo na sya..."



Lulan ng bus, na habang binabaybay ang kahabaan ng EDSA, nagpapaligsahan ang mga alaala nang mag-aanim na taon na nasayang na panahon, pagkakataon at pagmamahal na inukol nya para sa kanyang kasintahan. Last year lang ay nagpropose ito ng kasal sa kanya sa Boracay saksi ang mga malalapit na mga kaibigan. Kamakailan lang, lumuwas sya ng Manila upang sila'y magkasama dahil yon ang gusto ng gonggong.


Yon pala magdadalawang taon na sya nitong niloloko...

Friday, March 8, 2013

Araw Ng Kapanganakan...

"If we had sex last June 8, 2012... we might have a cute baby now... Happy 9th Monthsary pogz... i love you so so much... i may be bitchy  and touchy at times but i do love you faithfully... <3"

Yan ang text message ko kay pogs ko... hihihihi... feeling fertile at may matres lang ano? hahahaha...

By the way, tagal ko nang hindi nakapag post dito. I have been very busy with work. Hirap mag analyst slash programmer lalo na pag mahirap kausapin ang clients... haist...

Getting back to pogz, we're also busy with our konting pangkabuhayan showcase. Ako ang purchaser sya ang seller. We enjoyed it naman. Makakapag-ipon na kami para sa aming future... hihihi... Feeling ko kumu-curacha na nga ako... And lately nagkasakit pa...

Anywayz, I wish everybody (my readers... choz...) a happy life... Love love love everybody... :)


picture taken from here...

Saturday, November 17, 2012

Overtime...

Hi fans... hehehe... assumerang palaka lang ako na may fans club ako... hahaha... By the way, I'm so egzoited na kasi malapit nang mag December at makakapiling ko naman si Pogz ko... Hihihihi... Aside from that, syempre dahil may 13th month pay... ang saya-saya pag may extrang pera di ba? hihihi... makakabili na ako ng beauty tips para sa kikay kit ko... toinkz... hehehe.

Kanina lang, sinumpa ko talaga ang MRT, feeling ko nagkalasog-lasog ang katawan ko dahil sa sobrang siksikan... mabuti sana kung puro mga gwapo ang kadikitan ko... deym... ayoko nang magsalita... hehehe... yong mukha ko pa talaga natapat sa kilikili ni koya na naka high 5... kalowka!!!!! Well, no choice na ako, kelangan kong samahan ang friend ko kasi magka-canvass kami sa bibilhin nyang iPhone 4s...

Pagdating ko sa bahay, nag operation linis ako... At dahil na miss ko si Pogz, ti-next ko sya...

Juan: Pogz Pogz ko... :(, (dapat may sad emoticon talaga.. hihihi)
Pogz: Kakain pa lang kami pogz... gutom na ako... :(
Juan: Ok Pogz, dapat mabusog ka... What time ka uuwi? Nakaligo na ako. hihihi
Pogz: Nakakalahati pa lang kami sa ini-encode pogz...
Juan: Mag o-overnight ka na naman dyan sa office nyo pogz?
Pogz: Yep yep...
Juan: Huhuhu..I'm so ready na. Nakaligo na ako. Nakapag toothbrush na. Nagmumog na ako ng feminine wash...tapos..... huhuhu
Pogz: Landi... Kumakain ako...
Juan: Hehehe

Yan ang resulta pag umaandar ang tupak ko... Hahaha...

Nanyt sa lahat.... matutulog na ako... :) mwuah...

Thursday, November 1, 2012

Libog

Ano ba yan? Halloween na halloween, "libog" ang title ng post. hehehehe.

Let's define libog...

Libog is a by product of boredom especially during undas. Anong konek? hindi ko rin alam... hahaha. Anebenemen kasi ang mahal ng airfare pauwing probinsya. Kaya tuloy dito na ako sa manila magtirik at magpatirik ng kandila. hehehe.

Oy a, natuwa lang ako sa salitang libog ah... kasi ba naman iba ang ibig sabihin ng "libog" sa mga bisaya at sa "libog" ng mga tagalog.

Sa bisaya kasi, pagsinabing "nalibog" ibig sabihin, "nalito". Wholesome di ba? Kaya pag sinabi kong "nalibog ko"... wholesome yon ayon sa aking understanding.

Sa tagalog naman... alam nyo na yon... hehehe...

Natuwa din ako sa mga chatrooms na hindi wholesome.. ahihihi... kasi kadalasan may nagsasabing, "taglibog ngayon"... Kaya naisip ko na wow naman, tatlo na ang klima ng pilipinas... tag-init, tag-ulan at taglibog... later ko na napag-alaman na pwedeng isabay si taglibog sa tag-init lalung-lalo na sa tag-ulan... :)

Ano ba tong pinagsasabi ko... pero oy a... hindi ako taglibog ngayon... halloween e... wala ako fetish sa mga ghost at lalong hindi ako necromancer... ahihihihi...

O sya, tama na to... manonood na ako ng "A Beautiful Affair" sa www.iwanttv.com.ph... parang maganda ang story e... kasisimula pa lang noong monday...

Njoy kayo sa pangangaswang... mwuah...

Wednesday, September 26, 2012

Diet...

At dahil masarap magluto si Pogz nong kamiy nagtanan for two months (tanan talaga... hehehe), bunggang bungang bungbung ang paglobo ko...
"Waaa, ayoko na... super taba na ako Pogz... kasalanan mo to.", syempre linya ko yan.
 "Gusto ko nga yan para wala nang titingin sa'yo para sa akin ka lang." sagot nya.
Hamakinz nyo, ginawa akong patabaing baboy para malahian eh ang pwede lang namang mangyari sa amin ay sore throat at sore something... hehehe... kelanman hindi magso-sore ang matres ko... hahaha... kainis...

Idagdag nyo pa ang halos gabi-gabi naming pag ano... yong pagbali ng coke sa kabilang kanto usually every 10pm... isang litro tapos kami lang ang lalaklak... hahay... :(

Kaya eto, mega diet ako...

Idagdag mo pa ang immoral support ni Ley... (excerpt from our SMS exhange)

Juan: Nilibre ako kanina ng boss ko ng Krispy Kreme.
Ley: So goodbye diet na?
Juan: Hindi naman, 1 donut lang naman kinuha ko though may option ako na pwedeng kumuha kahit tatlo.
Ley: Pa as if ka pa... hahaha
Juan: Gaga ka. Diet is a serious business for me... hahaha
Ley: Paano kung may LASWA** at tuyo? Tapos mainit na kanin. Tapos yong laswa merong sahog na hipon?
(**Laswa by the way is an ulam. Paano ko ba i-explain... basta gulay yan na may talong, okra, saluyot, bamboo sprout, minsan may sweet corn pa... na pinakuluan sa tubig na ang resulta ay malapot lapot na sabaw at masarap ito lalo na kung mainit)
Juan: Hmmm, 1/2 cup rice para sa tuyo. Tapos lalantakan ko ang laswa kahit wala nang kanin.
Ley: Papano kung may yummy yummy at crunchy crunchy na balat ng lechon baboy?
Juan: Hmmm... mapapatay ko ang ka-txt ko ngayon. hahaha.

At dahil sa text namin na yon, ginutom sya... hahaha...

Tuesday, September 18, 2012

2nd Monthsary

Hi sa lahat. Tagal ko ring nawala. Enebenemen at na-assign ako sa bulubundukin ng mindanao. Kaya miminsan lang maka-internet. Pero feel na feel ko rin naman na ma-assign doon kasi nakasama ko si Pogz ko 24/7 for almost 2 months. Actually 5 days na lang ang kulang at mag 2 months kaming parang siamese twin. jowk... hehehe

August 8, 2012, 2nd monthsary namin ni pogz. And to celebrate our monthsary, bumili ako ng 1 gal na selecta ice cream. Ice cream lang kasi coins na lang naiwan sa bulsa. Hehehehe. At dahil favorite nya ang cookies and cream at gusto ko rin yong may mga nuts nuts churva, Selecta Double Overload ang binili ko. Double Dutch at Cookies and Cream na kasi. Kaya happy ang lahat.

Pagdating ko sa bahay, iniwan ko lang ang bag ko sa room at deritso na ako sa kusina para ilagay sa ref ang ice cream at saka andon din si Pogz na nagluluto ng hapunan namin. Tinanong nya ako kung may nakita ba ako sa room. Sagot ko naman na wala kasi madilim ang room. Sabi nya naman na i-check ko daw. Kaya ayon, egzoited ang yagit. At eto ang nakita ko...


deym, hindi ko inexpect ang ganito... i was so kilig and blushing. hihihihi... super effort na yan ha. simple yet touching... hehehe

Habang kumakain kami ng ice cream:
"Pogz, mag-break tayo sa August 14.", sabi ko.
"At bakit mo naman naisip yan", tanong nya.
"Break tayo sa August 14 mga 11:59 ng gabi tapos ON ulet tayo pag 12:00midnight ng 15. Para every monthsary natin marami pa tayong perang panghanda dahil bagong sahod.", sagot ko.
"Ayan na naman yan out of this world mo na idea.", sambit nya na naka-smile.
Hehehe, ganyan ako kapraning. toinkz. Kaya minsan, feeling ko nakukulitan na sya sa akin. Tinatawag nya nga akong "kiti-kiti". hehehe.

I just love him so much at ayaw kong palampasin ang isang araw para iparamdam at sabihin sa kanya kung gaano ko sya kamahal. (Kumu-corny na ako... hehehe)

Thursday, July 12, 2012

Problema...


Juan:    May malaki akong problema pogz… L huhuhu

LJ:       Ano yon pogz?

Juan:    huhuhu... feeling ko in love na ako masyado sa’yo... huhuhu

LJ:       Adik.. Hahaha i love you pogz.. mwaaahhh

Juan:    Tawanan pa talaga ako... huhuhu L

LJ:       Gusto ko yang nararamdaman mo para sa akin pogz... hehehe

Juan:    Tapos super in love na ako sayo... tapos jerjerin at buntisin mo ako... tapos iiwan... huhuhu... Hindi ko kaya... L

LJ:       Hahaha.. Baliw ang pogz ko... Adik ka talaga.. hahaha

Juan:    Hindi ko kaya ang mabuntis pogz ko... huhuhu

LJ:       Gagamit tayo ng condom pogz... hehehe

Juan:    huhuhu. Adik ako pogz ano?

LJ:       Opo pogz, Adik ka. I love you my pogz ko..

Juan:    Hehehe… I love you too pogz ko… J

----------------------------------------------

at dahil dyan, ipagpatuloy ko na ulet trabaho ko... hehehe...

Tuesday, June 19, 2012

Opening Up

I called Ley, she's a good friend of mine. I dunno, but i consider her more than a sister. We called each other up whenever one of us has a problem. At past time namin ang tsismis. Since I left <Insert Previous Town here> last 2010, we've been connecting with each other. Whenever i get back to the Town, i always made it sure na makakapunta ako sa bahay nila kasi kahit makukulet ang 5 nyang mga anak, ang ku-cute naman... hehehe...

At start, we talked about whoever crosses our mind. Then she said na kelangan nya nang pumasok sa bahay nila kasi aasikasuhin nya pa mga anak nya.

Juan   : Teka lang, may sasabihin pa ako sa'yo.
Ley    : Ano yon?
Juan   : (I just laughed)
Ley    : Ano nang sasabihin mo? May nobya ka na?
Juan   : Nobyo.
Ley    : Gaga. Totoo ka?
Juan   : Hehehe. Sa'yo ko lang to inopen... alam ko naman kasing makakaintindi ka.
Ley    : Sanay na ako sa ganyan, napapalibutan ako ng mga ganyan. Kung saan ka masaya, doon ka. What made you open this up?
Juan   : Wala, I just want to start this new relationship of mine in honesty.
Ley    : Shet, kakainggit ka... hahaha
Juan   : Gaga. Hahaha. Alam kong alam mo na kung ano ako, alam kong kahit medyo bingi ka (hahaha)... matalas ang pakiramdam mo. Inopen ko to pero wag mo akong tanungin about sa past ko, though alam kong alam mo (about kay Tony), pero ayokong i-mention kasi desisyon nya na kung sasabihin nya sa'yo kasi kaibigan mo rin naman sya.
Ley    : Yeah, hindi na ako magtatanong.

And we talked more about anything.

-------------------------------------

This is my first time to acknowledge my sexuality to a close friend. (Excluding sa mga nakarelasyon ko... hehehe). Kinabahan ako ng sobra. Pero nong naumpishaan ko na, keri na. Total ginusto ko naman. Hehehe. I don't have plan yet na sabihin sa pamilya at sa ibang tao. Sa kay Ley lang.

Banat


Juan   : Si LJ ka ba?
LJ      : Opo...
Juan   : Ay, dapat "bakit?" ang sagot mo pogz.
LJ      : Bakit? Hahaha
Juan   : Hahaha... iibahin ko na nga lang tanong ko... hahaha... Nakita mo ba si LJ?
LJ      : Bakit?
Juan   : Pag makita mo sya, pakisabi naman na mahal ko sya.
LJ      : Alam nya na yan pogz, hahaha... Hangin ka ba?
Juan   : Bakit?
LJ      : Kasi di ako mabubuhay pag wala ka sa life cycle ko... Hahaha
Juan   : Hahaha... Kanta ka ba?
LJ      : Bakit?
Juan   : Kasi hindi kompleto araw ko kung wala ka. Hahaha... Sobrang mais na to... Hahaha
LJ      : Corny nga... hahaha

----------------------------------

Wala lungs.. tinupak lang kaming dalawa. Lakas makabanat kahit alam nang super corny... hahaha

And yes kami na ni LJ last June 8… hahaha… #KaladkarinMe

Wednesday, June 13, 2012

Ice Cream

LJ got sick last night.

It all started with toothache... then naging fever.

I really wished that i could offer my body heat to cure his fever. Hehehe... #landi. Sabi kasi nila nakakagaling daw ng lagnat ang body heat...

Sabi nya nagsimula daw ang lahat noong hindi sya nilibre ng pinsan nya ng favorite nyang Cookies n' Cream Ice Cream... hehehe...

Pagaling ka... :)

Sunday, June 10, 2012

Walking Fast

During a phone conversation:

LJ : Nakikita kita nong nasa college pa tayo, ang bilis-bilis mong maglakad. Parang palaging naghahabol.

Juan: (laughed loudly) Alam mo kasi, kaya binibilisan kong maglakad para mag bounce ang hair ko. Hahaha...

#AngHabaNgHair

Saturday, June 9, 2012

Hello Stranger...

After a very tiresome trip to Cebu (Business Trip).  I slept the whole May 31 and woke up by 6pm. Habang nagpe-prepare ako ng dinner, na-check ko ang cp ko.

Unknown Number:     Hi
Juan:                            Hus this?
Unknown Number:     LJ (by the way itago na lang natin sya sa pangalan LJ.)
Juan:                            LJ <insert action star lastname here>? Lol... Do I know you?
LJ:                               LJ <insert lastname here>. Juan ryt?
Juan:                            Yup, i'm Juan, Parang friends ata tayo sa fb, kaya lang hindi na kita makita sa friend's list ko.

Pero actually, alam kong friends pa kami at alam kong something spelled backward ang name nya. Kaya mega search na agad ako. Matapos kung makita ang profile nya. At sya nga, yong cutee from my previous town. Hehehe.

LJ:       Pinalitan ko name ko. <insert fb name here> na xa.. Musta na?
Juan:    A kaya pala, Ok naman. kakagising ko lang... :) Kain tayo... :)

Hmmm... Ms Congeniality agad ang peg ko (yan din tawag ni maccallister sa akin kasi followed ko na daw lahat ng twitter friends nya... hahaha)...

LJ:       Cge po, pabusog. Enjoy your meal.

At dahil wala namang follow-up text kasi nga kumakain ako. Ded Madela na. Matapos kong kumain, nawili na ako sa aking favorite pasttime... ang lintek na Tetris sa FB.... hahaha..

June 1, 2011

LJ:       Musta?
Juan:    (Reply agad).. Hey good eve.. ok pa rin... kakarating lang galing sine...
LJ:       Nice pasttime.

More SMS exhange here....

LJ:       Sinong syota mo ngayon Juan?
Me:      (Like whooat? Ganun agad ang question? hehehe) Wala, hahaha. Nanood nga ako ng Snow White and the Huntsman kanina na mag-isa... Sanay na din.
LJ:       Weh... the tisoy mong yan walang syota? Maniwala...
Juan:    (Tisoy.. IKR... joke... hahaha) Pangit ko kaya, Ikaw siguro dami mong syota ikaw ang tisoy e... hehehe
LJ:       Wala nga e, 1 year and 3 months nang single. Jajaja.
Juan:    (Bilang talaga? hehehe) Hahaha, Ahead ka lang sa akin ng 1 month... (Mas bilang ko no... hahaha)
LJ:       Boring, e manila ka tapos walang BF, Kaya mo?
Juan:    Ok lang naman... Wala namang natisod... Hehehe.
LJ:       Pag matisod ako sa'yo Juan, saluhin mo kaya ako?
Juan:    (Whoooaaatttt!!! dafuq, watta question...)
LJ:       Ah, walang reply... Jajaja
Juan:    Hahaha, kakatuwa naman ang tanong mo... It's dependot... :)

.
.
.
.
.

Abangan ang susunod na kabanata... Hehehehe...







Friday, June 8, 2012

My Boo [6]

Para sa mga hindi nakasunod:

My Boo
My Boo [2]
My Boo [3]
My Boo [4]
My Boo [5]

Sobrang taas na ng story ko kay Tony. Baka nagsawa na kayo sa kakabasa... Hehehe... Kaya ito na ang karugtong at huling bahagi ng istorya namin ni Tony.

Yup, nakakalungkot mang isipin pero dumating din ang katapusan sa aming dalawa. Nakakalungkot dahil nabalewala ang mahigit apat na taon naming magandang pagsasama. Hindi ko inexpect na magkaganun pero sadya atang ganito ang buhay, mapaglaro, mapaglinlang, nakaka-stress... :)

I considered my relationship with Tony as a relationship with strong foundation (damn i'm wrong). We never had a big fight. We seldom "tampo" to each other. Shet, anong english ng tampo?... When the other is not in good mood, the other pave way. He cooked me good food when I go to their house. I got acquainted with his family and i eventually develop a close relationship with Mamang and some of Tony's siblings and nephew. With the love that I got from him, it was just right that i will love him wholly. Basta lahat na. Simula sa pagbantay sa kanya sa hospital kung aatakehin sya uli ng UTI at lahat lahat.

Year 2009, i decided to expand my horizon. I wanted to enhance my skill in my chosen field. And I know that Manila can offer it. So we decided that I go first in manila and in less than a year, we would be together. We even bought a ticket for him with 30 kilos baggage allowance (syempre promo ng cebu pac... hehehe).

Months before he'll transfer here, he bailed. He gave me a valid reason. A very valid reason. He cannot leave his mother. Health reasons.

To cut the long story short. Hindi sya natuloy dito with me hoping na pwede pa syang makakasunod sa akin dito sa Manila. Until everything fell down: He seldom text me, He can't always answer his phone with different reasons. He got sour.

Hindi naman ako siguro manhid. Pero ilang buwan ko ding dinadala yon. Hanggang sa tinanong ko sya kung ano ang problema. And he asked for his freedom. His reason: he want to find his self and there is no third party.

It hurts like hell. But I cannot bear the fact that we will both suffer in a one way relationship. I let go.

This is the reason why i wrote this June 24, 2011 post Hanggang Kelan...

To cut the long story short again, here's a summary:
April 2011 - we're through.

October 2011 - i found out the real reason why he wanted to broke up with me. It hurts like more than hell. I begged that he'll give me another chance. I cried. I'm so pathetic that time. And finally, I let go again. Accepting my defeat and savoring the bitter taste of betrayal. I asked a favor from him that we'll still be friends and that he'll still text me.

December 2011 - Everything started to sink in to my senses. We become strangers.

January 2012 - From acceptance, i started to hate them (him and a friend).

March 2012 - I realized that i cannot live all my life hating them. Pero nag su-swing pa rin ang pain. Lalong-lalo na kung mapapaniginipan mo sya.

April 2012 - Nasanay na ako. I actually don't hate them na. Made myself busy watching movies. Lalong lalo na love stories at pag maka-relate ako, sasabay din ako sa iyak... hehehe... feeling ko i can access easily na my tear ducks... damn, pwede na akong mag artista... hehehe

From then on, i decided to move on. I can still sometimes feel the pain, pero keri na yon, i have no time na to make emo-emo. Move forth na... ganun lang... hehehe...

-----------------------------------------------------------

You readers might feel that i ended my story telling in an anti-climactic way. Sinadya ko talaga. Kasi tagal nang hindi ko nasundan. Siguro tinamad na akong mag-isip pa at ayoko nang ungkatin pa sa namanhid kong puso ang sakit na pilit kong pinagagaling.

My life doesn't end when Tony did not chose me...

In fact, I have more stories to tell with the recent development in my life... I will post it perhaps tomorrow... hehehe.

 Life always give you two opposite choices: Be Happy or Be Chaka... all you have to do is choose well.

Wednesday, April 25, 2012

Eating out...

After kung magpacute kanina kasi super mahaba na ang akin... (buhok), naisipan kung kumain na lang kasi nagutom ako sa amoy ng pampa-color ng buhok... yeah, nagpakulay ako ng buhok... i, admit marami-rami na rin white hairs ko, stressful naman kasi nature of work no #SinisiAngWork hehehe... hindi naman super flashy na kulay... yong tipong pagmatatamaan ng light saka lang magre-reflect ang color... hehehe.. #AngDamingArteLungs... hehehe...

Kaya ayon, sa Razon's ako kumain (na super daming umoorder ng infamous halu-halo nila)... pero hindi halu-halo ang inorder ko, umorder ako ng Pork-Chicken Asado #yumminess at 1 can of coke...

wala akong makitang picture ng chicken-pork asado kaya halu-halo ng razon's na lang... hehehe

So hintay-hintay ako ng order... and in a while, dumating na ang order.

Me: Kuya, pahingi naman ng drinking water (medyo nadehydrate kasi ako sa init ng panahon)
Kuya waiter: Self service po sir (sabay ngiti)
Me: Ok, cge kuha na lang ako mamaya.
After less than a minute, nagulat ako ng biglang may dalang isang basong tubig si kuya waiter. Syempre pa-shock effect ako sabay sabing "Salamat..."

Ngumiti lang si kuya waiter, at doon ko lang napansin cuteness pala si kuya. at saka maganda ang ngipin nong nag killer smile sya sa akin. hihihihi

At dahil hindi ako haliparot... (wahahaha)... i just took a photo of him in my mind... hihihihi...

Kaya ayon, kain na ako... tsalap tsalap... ubos talaga kahit malaki ang serve nila... #pataygutomlungs.... hehehe...

Si kuya waiter nag-serve ulet sa kabilang table, tapos sabi nong babae..

Babae: Waiter, pahingi naman ng tubig.
Kuya waiter: Maam, self service po (sabay talikod si kuya waiter)
Naghintay ako ng less than a minute, pero hindi nagkusang loob si waiter na magbigay ng tubig maiinom don sa nag-request... hehehehe... #NgitingAsoMode kaagad ako... harharhar...

At dahil doon, kahit nabusog na ako sa malaking serving nila ng Chicken-Pork Asado at isang can ng coke, inubos ko talaga ang 1 glass of water served with love ni kuya waiter para hindi naman masayang ang effort nya di ba... hihihihi...

And i told myself na kakain ulet ako doon. At ito ang magiging script ko:

Me: Kuya, pahingi naman ng drinking water (dapat pa-cute ako dito)
Kuya waiter: Self service po sir (dapat ngingiti sya ulet..)
Me: Ganon ba? Self service din po ba ang pagkuha ng digits mo kuya? #boooommm

Hihihihi...


    

Monday, March 19, 2012

Side Story... DJ

This side story is about Lee whom i have already mentioned here.

He was my bestfriend in elementary. Hindi ko alam basta bestfriend kami. Kami yong mga umi-excel sa klase. Kami yong panlaban ng school namin sa mga contest contest. Sa katunayan (hindi naman sa pagmamayabang), kaming dalawa yong palaging naglalaban sa unang karangalan. Hehehehe. (Pero pagdating sa high school at college, eklat na... walang dangal na... hehehe)

After elementary graduation at naghihintay na lang ng enrollment sa highschool, at habang ako'y nakahiga sa folding bed sa labas ng bahay (pero sa loob pa rin ng compound.. ayan ha klaro yan, baka sabihin nyo na paglabas ng bahay riles na... hehehe... at saka walang riles sa barangay namin ano...), dumating si Lee. Wala lang. Gusto nya lang ibigay ang graduation picture na kaming dalawa. Hehehehe. And sweet nya lang na bestfriend di ba?... Promise walang malisya doon. We're just friends ano, kaya wag nyong bigyan ng kulay. Hindi pa ako marunong lumandi ng mga panahong yon. (hanggang ngayon... hehehe)

Kaya ayon, last namin na pagkikita non. Sa malapit na syudad sya nag-aral ng highschool at ako naman sa malayong unibersidad sa norte ng land of promise. Nabalitaan ko na lang lumipat sya sa gitnang pilipinas upang magpatuloy sa pag-aaral. At sa hirap ng buhay kelangan nyang maghanap buhay upang makapag-aral.

As in wala na talaga kaming communications until grumaduate ako ng college.

Nakakuha ata ako ng address nya noon at sinulatan ko sya. Kaya nag reply naman sya. At dahil dyan, nagselos si Dennis sa kanya. Hahahaha. Promise friends lang talaga kami ni Lee.

Many months after naming maghiwalay ni Dennis, napag-alaman ko na nagta-trabaho na pala si Lee sa Lungsod ng Durian. E nataon naman na may seminar ako doon, kaya tinawagan ko ang radio station kung saan sya isang disk jockey.

Syempre hindi ko alam kung ano ang time slot nya, kaya iba yong nakasagot ay iniwan ko na lang ang phone number and room number ng hotel na tinutuluyan namin ng mga kasama ko.

And so he called back and invited me to his program. After his program, hmmmm mga 2am na yon, with his other friends, pumunta kami sa isang restaurant na bukas 24 oras upang mag Lomi. At dahil sabi nya na wala syang kasama doon sa bahay na inuupahan nya kasi sem break ng mga estudyante nyang kasama, at dahil din natatakot sya, nag-offer na lang ako na sasamahan ko muna sya doon at uwi na lang ako ng mga 6am kasi maaga pa kaming aalis pauwi.

Pagdating sa bahay nila, higa agad ako sa sofa kasi napagod ako sa kalalakad. Di kalaonan, tumabi sya sa akin sa sofa at nahiga rin sabay sabing "Na miss ko ang bestfriend ko" at bigla nya akong niyakap sabay dantay ng kanyang isang legs sa pagitan ng aking dalawang legs...

At doon nagsimula ang dapat hindi sinimulan....

Monday, March 12, 2012

My Boo [5]

Para masubaybayan nyo:

My Boo
My Boo [2]
My Boo [3]
My Boo [4]

Simula noon, halos every saturday na kung matulog si Tony sa bahay. Umuuwi din kasi palagi roommate ko. At para naman iwas tsismis kami sa mga kapitbahay, like 4am kung ihatid ko si Tony sa labas. At para dagdagan natin ng konting tamis, lakad lakad lang kami.. ganyan... e medyo madilim pa kaya pwede kaming mag HHWW (holding hands while walking) hahahaha... at dahil sa kahibangan namin siguro ang layo ng nilalakad namin e parang mrt ayala to mrt ortigas lang (comparative lang yan ha)... hahahaha... hindi pa ako nakapagmumog nyan... hahahaha...

Bilis din lumipas ng mga araw...

December 17, a month after the movie escapade, napagkasunduan naming pumunta sa karatig syudad upang i-celebrate ang first ever monthsary namin... Simple lang naman selebrasyon namin. Gala sa mall tapos nagkulong sa motmot.... hahahahaha...

That very night, napagkasunduan naming maging totally honest sa isa't isa. Kaya ginawa namin, nag tell-all kami about sa aming mga pasts. Habang nakahiga kami sa kama na walang damit at ginawa kong unan ang kanyang balikat, doon ko sya mas lalong nakilala. Nalaman ko kung anong pinagdaanan nya. Gayundin, nalaman nya kung anong pinagdaanan ko.

At sa gabi ding iyon, napagkasunduan namin dahan-dahan nyang iwasan ang paninigarilyo. (I'm playing good influence kasi... hihihihi)

Makalipas ang ilang araw, habang nag-uusap kami, may nasabi syang past na hindi nya pala na-open sa akin sa gabi ng unang monthsary namin... naintindihan ko naman pero syempre feeling hurt-hurtan ako... hahahaha... at ang nangyari, nag cold war ako sa kanya. First namin yon... hahaha... E dahil may konting tampo ako, after office, magkasama kami pero hindi ako umiimik... Then nag txt ang isang barkada namin na sabay daw kaming kumain. At dahil hindi pa kami ok ni Tony, hindi kami nagreply.

Kumain kaming dalawa ni Tony ng dinner at naging ok na kami... hehehehe... dahil purita lang kami at wala kaming sariling laptop at internet connection, pumunta kami sa pinakamalapit na internet cafe upang magpalipas oras. (Friendster pa ang uso noon... hehehe)...

Kinabukasan, nalaman namin na nagalit pala yong kaibigan na nag-aya sa aming mag-dinner. Ok lang daw sana na mag-hindi kami... kaya lang nakita nya kami that night doon sa internet cafe... hahahahaha...

Kaya ayon, medyo mataas pa naman ang pride ni ate... kaya bilang pagbibigay pugay sa aming pagkakaibigan, sinuyo namin sya sa kanyang kaarawan. Like 4am, pumunta kami ni Tony sa kanyang boarding house upang mag-greet na happy birthday....

Ang nakakaloka pa..... hinabol kami ng aso.... hahahahahaha
.
.
.
.

Ang mas nakakaloka... after naming mahabol ng aso... hindi pa rin pala kami napatawad ni ate... hahahhahaha...

Sunday, February 19, 2012

My Boo [4]

Para masubaybayan nyo:

My Boo
My Boo [2]
My Boo [3]

November 18, 2006

Dahil medyo hindi pa nag-sink-in sa akin ang mabilis na pangyayari, hindi ako nakatulog agad at ang resulta.... aside sa malaking puyat e late pa ako sa trabaho kinabukasan... hehehe

Habang nasa opisina, labas ako ng labas sa area ko kasi iihi ako. Ang malaking tanong, naiihi ba ako? Ang malaking sagot, HINDI... nagpapaduding lang ako... waaaaaaaaaaaa... na sana maisipan rin ni Tony na pumunta ng C.R. Area para makita ko lang sya.... so praning lang.... kainis... hehehe... ayon na nga sa comment ni aboutambot, "parang 16 lang"... hahahaha

Pero merienda time ko na sya nakita. (Di ba as i told you in "My Boo.. How We Met" palagi kaming magkasabay sa meriendahan.) At dahil pareho kaming discreet (Ano nga ba ang definition ng discreet? hmmm... like alam ng lahat na may bahid ka pero hindi lang nila ma-confiiiirm kasi wala ka namang inaamin? hehehehe), kelangan naming kumilos ng naaayon sa kelangang paniwalaan ng mga tao... ang umarteng parang wala lang. Kasama na dyan ang kausapin mo ang mga kasabayan nyo pero sya nakikitawa lang. Tapos pag-papasok ka na sa area mo at mauna ka, dadaan ka sa harap nya sabay titig sa mga mata nya at sabay kayong mangiti tapos tatapikin ka nya sa shoulder. Di ba parang wala lang p're? hehehe... :)

Matapos ang mahabang 8 oras na pagtatrabaho at pacute-cute, sinabayan nya akong umuwi sa tinitirhan ko. Nang makasalubong namin ang kasamahan ko sa boarding house na pauwi sa probinsya nya dahil sabado at walang pasok kinabukasan:

Roommate: San ang punta nyo.
Juan: Me kukunin lang si Tony don sa atin.
Hmmmm... Ano kaya ang kukunin ni Tony?
A. Labi ko
B. Laway ko
C. Purity ko
D. Ta**d ko
E. All of the Above
Type SAGOT <letter of your answer>  and send to 143... hehehe

Let's get back to the story. (Dami kasing sponsor... hehehe)...

Hindi ko na maalala kung kumain ba kami ng hapunan. Basta ang alam ko tatambay lang sana sya sa room ko sandali tapos 11pm na pala at wala na daw magbubukas sa gate nila... Hmmmm... alam na!!!! hahahaha

Ayokong gawing mahalay ang entry na ito. Kaya kayo na bahala ang mag fill in the blanks. hehehehe.

Oooopppsss... oo na, alam ko na ang iko-comment nyo... na I value chastity tapos may fill in the blank na?.. pasensya na po... pero hanggang isang araw lang pala ang kaya kong tiisin... hihihi...

.
.
.
.
At doon na nga sa kwarto ko natulog si Tony. Syempre tabi kami sa single bed. Kaya tapat na tapat ang electric fan sa amin para naman mabawasan ang init na dulot ng magdamag... hihihihi...

Kinabukasan, medyo tanghali na kaming gumising. (Baka siguro napuyat.. hihihi). Kaya ang ginawa ko, bumili na lang ako sa karenderya ng pagkain namin at sabay kaming nag brunch...
.
.
.
.
Tanong:

Bakit si Manny "Pacman" Pacquiao at Erik Morales ang picture na nilagay ko?

A. Dahil idol ko si Manny.
B. Dahil paborito ni Tony ang boksing.
C. Wala lang, trip ko lang.
.
.
.
.
.
Sagot:
Dahil after naming mag brunch, nag another round ulet kami ni Tony... hihihihihi... kasabay sa nagsusuntukan sina Manny at Erik.
.
.
.
.
.
At dahil nagbabad si kami ni Tony buong gabi at buong araw sa hindi nya dapat babaran, nang makarating na sya sa kanilang bahay, nagtxt sya sa akin...

"Juan, kagabi pa pala ako hinahanap ng mga kaibigan ko dito sa bahay. Andito sila ngayon, papa-blotter na sana nila na nawala ako... hehehe"




Thursday, February 16, 2012

My Boo [3]

Para masubaybayan nyo:

My Boo
My Boo [2]


November 17, 2006

Juan:   Cge nood tayo ng sine.
Tony:  Ok it's a date.
Juan:   Naku, birthday pala ng kaibigan ko... pero cge ok lang... magkakabirthday pa din naman sya next year e... hehehe
Tony:  6:00pm ha. magkita na lang tayo sa labas ng sinehan..
Juan:   Shoot...

At dahil ayaw ko ng tagalog movies, ang pinanood namin ay "The Covenant"... at huwag nyong matanong sa akin kung ano ang story ng "The Covenant" dahil sadyang hindi ako maka-concentrate sa movie... hehehehe... ooopsss ooopsss opssss... mali ka dyan, wala kaming ginawang masama... nag-uusap lang kami ano... hindi kaya ako super landi... i still value chastity kaya... hehehehe...

Nakaupo kami sa pinakadulo ng balcony. Sa umpisa, nagkahiyaan pa kami. Walang unang umimik... nagpapakiramdaman... Alam mo yong feeling na kinakabahan ka pero nangiti dahil hindi mo lubos maisip na mangyayari ang ganun? Di ba parang praning lang? hehehehe. Ngunit dahan-dahan ring nagkadikit ang aming mga braso... at nanlamig ako... waaaaa...

Natapos ang movie pero wala akong naintindihan sa movie.. at wala ring kaming napag-usapan... hahaha... E paano ba naman, hindi ko alam kung paano mag-umpisa. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin. Nagsitayuan na lahat ng tao ngunit nagpa-iwan kami... At ang nangyari, inulit ulet namin ang movie dahil kapwa hindi namin gustong tumayo at matapos ang gabi... hehehehe...

After ng movie, pumunta kami sa pinakamalapit inn (hindi ako easy to get ano!) coffee shop. Hindi Starbucks kasi wala namang Starbucks sa bukirin e... hehehe...

Juan: So ano na?
Tony: E di eto na... hehehe
Juan: Bilis naman... hehehe
Tony: Ganun talaga...
Juan: Pero wala munang expectations ha, go with the flow na lang muna.
Napag-usapan namin ng konti ang mga pasts. At iba pang mga walang kwentang bagay pero ewan ko ba kahit walang kwenta ay ngumingiti ka... hehehe.. parang adik lang...

At dahil lumalalim na ang gabi, kelangan na naming umuwi. At dahil isang way lang kami, sabay na kami sa tricycle. Nauna syang umupo kasi mas mauna akong bababa. Magkatabi kaming magkadikit ang mga braso, kasi naman medyo masikip ang tricycle. At nagulat na lang ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko. Napangiti lang ako sabay pisil sa kamay nya.

Nang malapit na ako sa bababaan ko, laking gulat ko ng nakawan nya ako ng halik sa pisngi. Anovah, he's so mabilis. hindi ako reydi... hehehehe... At dahil pa-demure pa ako, sinuklian ko lang sya ng ngiti... hehehehe

Pagdating ko nang bahay, deritso half bath na ako para ready nang matulog. Tiningnan ko ang cp ko.... and i received...
.
.
.
.
.
.
sangkatutak na missed calls at text messages mula sa mga kaibigan ko at nagtatanong bakit hindi ako pumunta sa birthday ng kaibigan ko... hahahahahaha...

at syempre isang matamis na goodnight galing kay Tony... hehehe



Wednesday, February 15, 2012

What the F*** [2]


Morning boner.

Topic namin ng mga ka-officemates ko kung anong oras ba sila kadalasan jumejerjer.

Ofismate 1: Ayoko ng umaga, kakapagod. May opisina pa kaya.
Ofismate 2: (Natahimik)
Juan: Hmmmm... umaga ka tumitira ano? (Para kay ofismate 2)
Ofismate 2: Bakit mo alam? Hehehehe
Ofismate 3: Ewan ko sa inyo. Alam nyo, pagtumayo ang putotoy nyo tuwing umaga, iihi nyo lang yan!!!

Hahahaha... may punto naman sya di ba?

Kayo, kaya bang matugunan ang morning boner nyo sa pamamagitan ng pag-ihi? hehehehe

What the F*** [1]



Habang pumipila ako sa cashier ng Mercury, na kung saan ang gamot ay laging bago. Pero hindi gamot ang binili ko kundi Nescafe Brown and Creamy.

Cashier: Anong age po ba ang iinum nitong Anlene madam? (Tinatanong nya ang babae na kasalukuyang iniestima nya)

Babae: (Tumawa na medyo nahihiya at sumagot) Manok.

****

What the F!!! Hongtotyal naman na manok na yan. Anlene? E ang iniinum nga ng pamangkin ko e Bear Brand Swak Pack lang...

Mas mahal pa ata bumuhay ng manok panabong kesa sa sanggol ngayon. Tsk tsk tsk...