Wednesday, April 25, 2012

Eating out...

After kung magpacute kanina kasi super mahaba na ang akin... (buhok), naisipan kung kumain na lang kasi nagutom ako sa amoy ng pampa-color ng buhok... yeah, nagpakulay ako ng buhok... i, admit marami-rami na rin white hairs ko, stressful naman kasi nature of work no #SinisiAngWork hehehe... hindi naman super flashy na kulay... yong tipong pagmatatamaan ng light saka lang magre-reflect ang color... hehehe.. #AngDamingArteLungs... hehehe...

Kaya ayon, sa Razon's ako kumain (na super daming umoorder ng infamous halu-halo nila)... pero hindi halu-halo ang inorder ko, umorder ako ng Pork-Chicken Asado #yumminess at 1 can of coke...

wala akong makitang picture ng chicken-pork asado kaya halu-halo ng razon's na lang... hehehe

So hintay-hintay ako ng order... and in a while, dumating na ang order.

Me: Kuya, pahingi naman ng drinking water (medyo nadehydrate kasi ako sa init ng panahon)
Kuya waiter: Self service po sir (sabay ngiti)
Me: Ok, cge kuha na lang ako mamaya.
After less than a minute, nagulat ako ng biglang may dalang isang basong tubig si kuya waiter. Syempre pa-shock effect ako sabay sabing "Salamat..."

Ngumiti lang si kuya waiter, at doon ko lang napansin cuteness pala si kuya. at saka maganda ang ngipin nong nag killer smile sya sa akin. hihihihi

At dahil hindi ako haliparot... (wahahaha)... i just took a photo of him in my mind... hihihihi...

Kaya ayon, kain na ako... tsalap tsalap... ubos talaga kahit malaki ang serve nila... #pataygutomlungs.... hehehe...

Si kuya waiter nag-serve ulet sa kabilang table, tapos sabi nong babae..

Babae: Waiter, pahingi naman ng tubig.
Kuya waiter: Maam, self service po (sabay talikod si kuya waiter)
Naghintay ako ng less than a minute, pero hindi nagkusang loob si waiter na magbigay ng tubig maiinom don sa nag-request... hehehehe... #NgitingAsoMode kaagad ako... harharhar...

At dahil doon, kahit nabusog na ako sa malaking serving nila ng Chicken-Pork Asado at isang can ng coke, inubos ko talaga ang 1 glass of water served with love ni kuya waiter para hindi naman masayang ang effort nya di ba... hihihihi...

And i told myself na kakain ulet ako doon. At ito ang magiging script ko:

Me: Kuya, pahingi naman ng drinking water (dapat pa-cute ako dito)
Kuya waiter: Self service po sir (dapat ngingiti sya ulet..)
Me: Ganon ba? Self service din po ba ang pagkuha ng digits mo kuya? #boooommm

Hihihihi...


    

8 comments:

  1. oo na maganda ka na! mahaba na buhok mo! chos hehehe

    di ko pa natikman halo halo diyan sa razon! inggit much ako friend!

    ReplyDelete
    Replies
    1. cge libre kita... ipapadala ko jan... hehehe

      Delete
  2. haha alam na, bet ka ni kuya :) nainggit ako sa halo-halo! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe... hindi ko alam na pwede rin palang humaba ang buhok ko... sa ilong... hehehe... hindi naman kainggit-inggit ang halu-halo kumpara sa foodeses sa blog mo zai... hehehe...

      Delete
  3. Nakakadagdag ganda. Bet ka ni Kuya. next time itudo mo na.

    ReplyDelete
  4. Akala ko kung anong "eating out..." Haha!

    ANyways, natikman ko na 'yan... at kakaiba talaga ng halo-halo sa Razons... Isa 'yan sa mga namimiss ko sa Pinas. Tamang-tama sa mainit na klima!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kala mo eating out tulad nong movie? hehehe...

      Delete
  5. boom... me paborito ako sa razon's un dinuguan na hilaw ang suka.namiss ko tuloy hehe... ibig sabihin mas maganda ka kesa dun sa gurl

    ReplyDelete