(Tagal kong hindi nadugtungan to... parang nawala na ang continuity... hehehehe... pasensyahan nyo na... babawi ako sa mga susunod na mga posts)
From then on... text text na kami. Syempre umpisa sa kumustahan hanggang sa mga double meaning na mga mensahe. May konting kilig.. parang high school lang... hahaha.
We became even closer. Naghinhintayan sa merienda area sa office. Minsan pa nga nag-oovertime sa merienda e. hehehehe. Nagtutuksuhan kung sino mas malaking notes... hahahaha... Alam mo yong feeling na "pwede to" though hindi naman hayagang pinapahiwatig na pwedeng maging kami kasi wala namang umamin sa amin na pwede. Gulo ano? hehehehe...
November 1, 2006 - Syempre umuwi ako sa aming barangay para magcelebrate ng All Saints Day. Habang nagpapahinga ako sa labas, nag text pala ang mokong ng mensahing bastos... ang nakakaloka pa ang mama ko ang nakabasa... waaaa... pero sabi ko lang sa mama ko na loko-loko yong nag txt. Nakalimutan ko na ang content basta about sa kanyang notable notes ang mensahe.
"Loko ka, mama ko ang nakabasa ng text mo", reply ko.
"Ay, sorry.. wrong send", sagot naman nya.
Dumaan ang mga araw.. tuloy tuloy pa rin ang text text namin. Napapansin nga ng ka roommate ko na inuumaga daw ako sa pagti-text at palaging nakangiti... hehehehe...
Parang ang saya lang...
Hanggang dumating ang November 16... hindi ko alam kung saan galin basta nagkaaminan kami na gusto namin ang isa't isa...
Kaya nag set kami na manonood kami ng sine kinabukasan (November 17) para mapag-usapan kung ano ang meron sa amin...
Sana ganun lang kadali pero may malaking kumplikasyon... :(
haaaaayyyy, komplikasyon agad...
ReplyDelete