(Sana marami akong maisip... hehehe)
1. Gusto kong magluto.
Hindi naman sa gusto kong maging chef, pero trip ko talagang magluto this year. I have been living here in manila for 1 year and 8 months na pero puro fast food and lutong karenderya lang ang lamang-tyan ko (sorry, wala pa akong nalunok na ano, na something, simula nong andito na ako sa manila... hehehe). Kaya sawang-sawa na ako!!! ano ba naman kasi same na putahe lang palaging niluluto sa favorite kong karenderya. E wala naman ding magluluto para sa akin. Kaya ngayong sweldo, bibili na ako ng rice cooker muna. Then sa susunod na sweldo ulit, electric stove na (ok kaya ang electric stove? para kung lilipat na ako ng condo, pwedeng pwede na... hehehe). At saka excited much na akong magluto ng tuyo, corned beef, sardinas, ma-ling at iba pang klase ng de-lata... hehehehe. Expertise ko: magprito.
2. I-gala ko si Mother dear sa Singapore, Malaysia at Thailand.
Dapat within this year makapag-ipon na ako para madala ko naman si Mamang sa mga lugar stated above. At para makalabas man lang sya ng bansa di ba? Puro na lang kasi Cebu, Bohol, Manila ang napupuntahan nya lalung-lalo na kung may promo ang Cebupac. Tipid pack kasi ako... hehehehe. Teka lang, may passport na ba si inang-bayan? hmmmm.. ma-text nga...
3. Less time for FB, more time for self-enhancement.
Ano ba naman kasi, puro fb na lang ang inaatupag. E wala naman akong masyadong updates sa fb. Wala lang, naghihintay lang ng comments tapos dapat reply ako agad. hehehehehe. Pero ha, may achievement na ako with regards sa fb na yan. Na give-up ko na lahat ng online games sa fb... hahahaha... hirap kaya non... pinaghirapan ko pa namang mag-complete ng mga quest at magpalaki ng nasasakupan sa CityVille... hehehehe. Kaya, dapat this year, focus muna ako sa aking mga online trainings at research na din to enhance myself.
4. Iwasang magdrama.
Ano ba naman kasi itong heart na may ache na ito!!! Kaya dapat this year, iwasan kong magdrama at mag-emote. Kakapagod kaya. Nakaka-drain ng energy (aside doon sa may magdi-drain ng energy mo. tehehehe)
5. I want to be noble.
Wala lang, idol ko kasi si Lancelot sa Merlin na TV series. He sacrificed himself to save Camelot. For the greater good. Siguro gusto ko lang talaga ang maging martyr. hahaha.6. Magsimba
Nag-txt sa aking si Mamang last week. Bigyan ko daw ng panahon ang pagsimba. Sinagot ko lang sya ng "hehehe".Ganun? Anim lang naisip ko. Kainis naman. Dadagdagan ko na lang sa susunod. By the way, nahihilig pala akong manood ng mga TV Series ngayon. Malapit ko nang matapos ang Merlin, isusunod ko na ang Queer as Folks. hehehe. Kaya lang 96.1% pa lang ang nada-download ko sa torrent (Seasons 1 to 5). Kaya konting hintay na lang. Sana A-OK ang QAF.
Hanggang sa muli....
No comments:
Post a Comment