Sunday, February 19, 2012

My Boo [4]

Para masubaybayan nyo:

My Boo
My Boo [2]
My Boo [3]

November 18, 2006

Dahil medyo hindi pa nag-sink-in sa akin ang mabilis na pangyayari, hindi ako nakatulog agad at ang resulta.... aside sa malaking puyat e late pa ako sa trabaho kinabukasan... hehehe

Habang nasa opisina, labas ako ng labas sa area ko kasi iihi ako. Ang malaking tanong, naiihi ba ako? Ang malaking sagot, HINDI... nagpapaduding lang ako... waaaaaaaaaaaa... na sana maisipan rin ni Tony na pumunta ng C.R. Area para makita ko lang sya.... so praning lang.... kainis... hehehe... ayon na nga sa comment ni aboutambot, "parang 16 lang"... hahahaha

Pero merienda time ko na sya nakita. (Di ba as i told you in "My Boo.. How We Met" palagi kaming magkasabay sa meriendahan.) At dahil pareho kaming discreet (Ano nga ba ang definition ng discreet? hmmm... like alam ng lahat na may bahid ka pero hindi lang nila ma-confiiiirm kasi wala ka namang inaamin? hehehehe), kelangan naming kumilos ng naaayon sa kelangang paniwalaan ng mga tao... ang umarteng parang wala lang. Kasama na dyan ang kausapin mo ang mga kasabayan nyo pero sya nakikitawa lang. Tapos pag-papasok ka na sa area mo at mauna ka, dadaan ka sa harap nya sabay titig sa mga mata nya at sabay kayong mangiti tapos tatapikin ka nya sa shoulder. Di ba parang wala lang p're? hehehe... :)

Matapos ang mahabang 8 oras na pagtatrabaho at pacute-cute, sinabayan nya akong umuwi sa tinitirhan ko. Nang makasalubong namin ang kasamahan ko sa boarding house na pauwi sa probinsya nya dahil sabado at walang pasok kinabukasan:

Roommate: San ang punta nyo.
Juan: Me kukunin lang si Tony don sa atin.
Hmmmm... Ano kaya ang kukunin ni Tony?
A. Labi ko
B. Laway ko
C. Purity ko
D. Ta**d ko
E. All of the Above
Type SAGOT <letter of your answer>  and send to 143... hehehe

Let's get back to the story. (Dami kasing sponsor... hehehe)...

Hindi ko na maalala kung kumain ba kami ng hapunan. Basta ang alam ko tatambay lang sana sya sa room ko sandali tapos 11pm na pala at wala na daw magbubukas sa gate nila... Hmmmm... alam na!!!! hahahaha

Ayokong gawing mahalay ang entry na ito. Kaya kayo na bahala ang mag fill in the blanks. hehehehe.

Oooopppsss... oo na, alam ko na ang iko-comment nyo... na I value chastity tapos may fill in the blank na?.. pasensya na po... pero hanggang isang araw lang pala ang kaya kong tiisin... hihihi...

.
.
.
.
At doon na nga sa kwarto ko natulog si Tony. Syempre tabi kami sa single bed. Kaya tapat na tapat ang electric fan sa amin para naman mabawasan ang init na dulot ng magdamag... hihihihi...

Kinabukasan, medyo tanghali na kaming gumising. (Baka siguro napuyat.. hihihi). Kaya ang ginawa ko, bumili na lang ako sa karenderya ng pagkain namin at sabay kaming nag brunch...
.
.
.
.
Tanong:

Bakit si Manny "Pacman" Pacquiao at Erik Morales ang picture na nilagay ko?

A. Dahil idol ko si Manny.
B. Dahil paborito ni Tony ang boksing.
C. Wala lang, trip ko lang.
.
.
.
.
.
Sagot:
Dahil after naming mag brunch, nag another round ulet kami ni Tony... hihihihihi... kasabay sa nagsusuntukan sina Manny at Erik.
.
.
.
.
.
At dahil nagbabad si kami ni Tony buong gabi at buong araw sa hindi nya dapat babaran, nang makarating na sya sa kanilang bahay, nagtxt sya sa akin...

"Juan, kagabi pa pala ako hinahanap ng mga kaibigan ko dito sa bahay. Andito sila ngayon, papa-blotter na sana nila na nawala ako... hehehe"




Thursday, February 16, 2012

My Boo [3]

Para masubaybayan nyo:

My Boo
My Boo [2]


November 17, 2006

Juan:   Cge nood tayo ng sine.
Tony:  Ok it's a date.
Juan:   Naku, birthday pala ng kaibigan ko... pero cge ok lang... magkakabirthday pa din naman sya next year e... hehehe
Tony:  6:00pm ha. magkita na lang tayo sa labas ng sinehan..
Juan:   Shoot...

At dahil ayaw ko ng tagalog movies, ang pinanood namin ay "The Covenant"... at huwag nyong matanong sa akin kung ano ang story ng "The Covenant" dahil sadyang hindi ako maka-concentrate sa movie... hehehehe... ooopsss ooopsss opssss... mali ka dyan, wala kaming ginawang masama... nag-uusap lang kami ano... hindi kaya ako super landi... i still value chastity kaya... hehehehe...

Nakaupo kami sa pinakadulo ng balcony. Sa umpisa, nagkahiyaan pa kami. Walang unang umimik... nagpapakiramdaman... Alam mo yong feeling na kinakabahan ka pero nangiti dahil hindi mo lubos maisip na mangyayari ang ganun? Di ba parang praning lang? hehehehe. Ngunit dahan-dahan ring nagkadikit ang aming mga braso... at nanlamig ako... waaaaa...

Natapos ang movie pero wala akong naintindihan sa movie.. at wala ring kaming napag-usapan... hahaha... E paano ba naman, hindi ko alam kung paano mag-umpisa. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin. Nagsitayuan na lahat ng tao ngunit nagpa-iwan kami... At ang nangyari, inulit ulet namin ang movie dahil kapwa hindi namin gustong tumayo at matapos ang gabi... hehehehe...

After ng movie, pumunta kami sa pinakamalapit inn (hindi ako easy to get ano!) coffee shop. Hindi Starbucks kasi wala namang Starbucks sa bukirin e... hehehe...

Juan: So ano na?
Tony: E di eto na... hehehe
Juan: Bilis naman... hehehe
Tony: Ganun talaga...
Juan: Pero wala munang expectations ha, go with the flow na lang muna.
Napag-usapan namin ng konti ang mga pasts. At iba pang mga walang kwentang bagay pero ewan ko ba kahit walang kwenta ay ngumingiti ka... hehehe.. parang adik lang...

At dahil lumalalim na ang gabi, kelangan na naming umuwi. At dahil isang way lang kami, sabay na kami sa tricycle. Nauna syang umupo kasi mas mauna akong bababa. Magkatabi kaming magkadikit ang mga braso, kasi naman medyo masikip ang tricycle. At nagulat na lang ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko. Napangiti lang ako sabay pisil sa kamay nya.

Nang malapit na ako sa bababaan ko, laking gulat ko ng nakawan nya ako ng halik sa pisngi. Anovah, he's so mabilis. hindi ako reydi... hehehehe... At dahil pa-demure pa ako, sinuklian ko lang sya ng ngiti... hehehehe

Pagdating ko nang bahay, deritso half bath na ako para ready nang matulog. Tiningnan ko ang cp ko.... and i received...
.
.
.
.
.
.
sangkatutak na missed calls at text messages mula sa mga kaibigan ko at nagtatanong bakit hindi ako pumunta sa birthday ng kaibigan ko... hahahahahaha...

at syempre isang matamis na goodnight galing kay Tony... hehehe



Wednesday, February 15, 2012

What the F*** [2]


Morning boner.

Topic namin ng mga ka-officemates ko kung anong oras ba sila kadalasan jumejerjer.

Ofismate 1: Ayoko ng umaga, kakapagod. May opisina pa kaya.
Ofismate 2: (Natahimik)
Juan: Hmmmm... umaga ka tumitira ano? (Para kay ofismate 2)
Ofismate 2: Bakit mo alam? Hehehehe
Ofismate 3: Ewan ko sa inyo. Alam nyo, pagtumayo ang putotoy nyo tuwing umaga, iihi nyo lang yan!!!

Hahahaha... may punto naman sya di ba?

Kayo, kaya bang matugunan ang morning boner nyo sa pamamagitan ng pag-ihi? hehehehe

What the F*** [1]



Habang pumipila ako sa cashier ng Mercury, na kung saan ang gamot ay laging bago. Pero hindi gamot ang binili ko kundi Nescafe Brown and Creamy.

Cashier: Anong age po ba ang iinum nitong Anlene madam? (Tinatanong nya ang babae na kasalukuyang iniestima nya)

Babae: (Tumawa na medyo nahihiya at sumagot) Manok.

****

What the F!!! Hongtotyal naman na manok na yan. Anlene? E ang iniinum nga ng pamangkin ko e Bear Brand Swak Pack lang...

Mas mahal pa ata bumuhay ng manok panabong kesa sa sanggol ngayon. Tsk tsk tsk...




Monday, January 23, 2012

Look who's talking...

2011 was somehow a not so good year for me. Ito 'yong taon na kung saan maraming negative na nangyari sa buhay ko at sa paligid ko. Lalung-lalo na sa buwan ng Disyembre.

Maliban sa mga sakuna na mga nangyari sa Pilipinas (makabayan much), karamihan sa mga negative na ito ay problema sa mga relasyon.

Una na rito, ay sa kaibigan ko. Nangaliwa ang gaga. Hahahaha. Siya pa naman ang babae. Kaya ayon, sa aming magbabarkada ang takbo ng kanyang husband. Kaya ayon todo support naman ako dahil alam ko kung gaano kasakit.

Pangalawa, kaibigan ko rin. Nagloko ang husband. Marami na ngang problema financially dahil hindi pa nagpapadala ang husband from abroad, dinagdagan pa ng mokong ang problema. Kaya ayon todo moral support naman ako dahil alam ko kung gaano kasakit.

Minsan nagbibigay ako ng konting payo sa kanila. Pero kadalasan, ang ginagawa ko lang ay makinig ng makinig ng makinig. Dahil alam ko kung gaano kahirap ang walang mahingahan ng sama ng loob.

Dahil sa taong 2011, pinagdaanan ko din ang sobrang sakit na dulot ng ikaw ay iwan dahil meron na syang iba. Na kahit ako'y nagmakaawa na ako ang piliin nya kasi hindi ko kaya. Na kahit kaya kong lunukin ang pride ko kahit na ako ang naagrabyado dahil I have been always faithful (no joke :( sana nga naging unfaithful na lang ako para hindi masyadong masakit). Pathetic much (yan ang sabi ni Mac). Ang pinakamasakit pa nga, dahil wala man lang akong makausap na super close friends dahil hindi naman nila alam at hindi nila maintindihan (kasi nga hindi ako out).

Kaya nga hindi ako masyado nagpapayo dahil it is so ironic to give advises na ikaw mismo hindi mo kayang gawin ang ina-advice mo. Ika nga "A carpenter cannot make his own house". Kung nag aadvice man ako, I don't expect na susundin yon ng kaibigan ko dahil sya at sya rin ang masusunod kahit na alam nyang siya na ang agrabyado. Minsan nga para safe, sinasabi ko na lang na "do what you think is best".

Pero 2011 yon.

2012 na ngayon. And i always pray that this year will be a better year for me. Masakit mang isipin pero move-on na. The bitter taste of room-temperature beer will be as good as water if you are used to it. The pains of 2011 made me somehow stronger. Life does not end when heartache begins, right?

Kaya sa lahat ng nasaktan, ok lang na paminsan minsan maalala mo ang sakit at mag-emo-emohan. Tao lang naman tayo e. Pero we should not let it bring us down. A day in our life is not worth to be wasted sa pagmumukmok. Kakapagod kaya. Hehehehe.

Kaya be happy always. If you think that your relationship is worth mending and you both want to mend it, then go for it. But if it is like a one way street, better gather yourself and find your own way. And don't ever cried over a spilled spoiled milk. Kuha mo?

(Hala! nag advise ako... look who's talking.... hehehehe)

Sunday, January 15, 2012

The awkward moment when...

Dahil walang magawa, inaya ko mga friends ko na gumala sa Glorietta kahapon. After kumain ng Sizzling Bangus na may free na sabaw, sinamahan namin ang isa pa naming kaibigan na bumili ng ticket kasi manonood sya ng Alvin and the Chipmunks.

At dahil may mga rebulto (rebulto talaga... hehehe) ang mga chipmunks sa Glorietta Cinema hall, nagpapicture ang aking mga kaibigan using my HTC Sensation phone hehehe.. yabang...

Syempre after picture, para lang kaming nagtutumpokang kuto para tingnan kung maganda ba ang kuha nila...

Ayon na browse browse na... nang biglang...

Friend 1 (Guy friend): Hala!!!
Friend 2 (Gal Friend): [Na blanko.. hindi nakapagsalita]
Ako: Sheeeeettttt!!!!!!!!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi ko pala na-delete ang picture ng semi flaccid kong putotoy.... waaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!

Kaya ayon, pinanindigan ko na lang... at sumakit ang aming mga panga sa kakatawa.... :)

Saturday, January 14, 2012

Paalam Dennis...

Nabasa ko sa FB Wall ng kapatid ni Dennis...

"Dennis (insert middle name and last name here) - April **, 19** to December 12, 2011"

I froze. Literally. Natanong ko sa sarili ko kung tama ba ang interpretation ko?. Binasa ko ulit, and it sinked in, wala na daw di Dennis. <<(click the link)

Kaagad akong nag-private message sa kapatid nya. Pero walang reply. Dahil atat much ako, tinawagan ko ang ate ko kung alam na ba nila na patay na si Dennis. At confirmed nga, wala na si Dennis.

Hindi ko alam kung ano dapat ang maging reaksyon ko. Should I cry? I even forgot to breath for a couple of seconds. Ok not couple, siguro mga 6 seconds. Parang totyal lang kasing pakinggan ang "couple of seconds"... duh!!! I paused for a while na lang to offer a short prayer.

Undeniably, Dennis played a big part in my doomed life. He baptized me to this world. Assuming wala ako inkling to be a gifted one. hahaha He introduced me to many things and helped develop some of my innate qualities. He taught me how to be strong, be patient, and give up things for a right reason. I know he loved me more than his life. It's just that he jumped into the waters without testing it.

After we separated our ways, i fought back the urge longing to be with him. And I promised myself na dapat hindi na ako magpapakita sa kanya upang hindi ko masyadong ma-feel ang sakit. And I was true to my word, I distance myself from all the opportunities na pwede kaming magkita. I made my heart hard for him because I know that I will give in once persuaded.

Kaya hindi talaga ako nakikipagkita sa kanya kung iimbetahin nya ako. Pero minsan nag-chachat kami lalo na yong nasa abroad na sya. He always asked for my advice. Hindi naman ako si Doctor Love pero sabi nya, bina-value nya daw opinyon ko.

And now that his gone, all i can give was a sincere prayer that he will be okay there in somewhere. Though he did not deserve to die a very painful death. He was murdered using a "bolo" and his head was nearly cut-offed (may ganito bang word? hindi naman nagrereklamo ang spell checker... hehehe). Na balat na lang sa leeg ang kumakapit. Napaka-gruesome. Super walang awa ang gumawa. Motibo: pagnanakaw. And the murderer is still on the loose.

.
.
.
I attended the burial. And while he was laid to rest.. this song played in my iPod Shuffle....

May you rest in peace Denz...