Monday, March 11, 2013

Why...

"Hindi pwedeng kaming dalawa... Hindi mo na ba ako mahal?", tanong nya.

"Mas masaya ako sa kanya...", sagot ng isa.

"Sige aalis ako...", bitbit ang kanyang pouch kasama ang kanyang damdaming puputok na pero ni hindi sya makaluha.

"Uuwi ako ngayon, hintayin mo ako mag-usap tayo...", sabi ng gago habang nasa pinto na ang isa.

"Ano pang pag-uusapan natin. Pinili mo na sya..."



Lulan ng bus, na habang binabaybay ang kahabaan ng EDSA, nagpapaligsahan ang mga alaala nang mag-aanim na taon na nasayang na panahon, pagkakataon at pagmamahal na inukol nya para sa kanyang kasintahan. Last year lang ay nagpropose ito ng kasal sa kanya sa Boracay saksi ang mga malalapit na mga kaibigan. Kamakailan lang, lumuwas sya ng Manila upang sila'y magkasama dahil yon ang gusto ng gonggong.


Yon pala magdadalawang taon na sya nitong niloloko...

Friday, March 8, 2013

Araw Ng Kapanganakan...

"If we had sex last June 8, 2012... we might have a cute baby now... Happy 9th Monthsary pogz... i love you so so much... i may be bitchy  and touchy at times but i do love you faithfully... <3"

Yan ang text message ko kay pogs ko... hihihihi... feeling fertile at may matres lang ano? hahahaha...

By the way, tagal ko nang hindi nakapag post dito. I have been very busy with work. Hirap mag analyst slash programmer lalo na pag mahirap kausapin ang clients... haist...

Getting back to pogz, we're also busy with our konting pangkabuhayan showcase. Ako ang purchaser sya ang seller. We enjoyed it naman. Makakapag-ipon na kami para sa aming future... hihihi... Feeling ko kumu-curacha na nga ako... And lately nagkasakit pa...

Anywayz, I wish everybody (my readers... choz...) a happy life... Love love love everybody... :)


picture taken from here...

Saturday, November 17, 2012

Overtime...

Hi fans... hehehe... assumerang palaka lang ako na may fans club ako... hahaha... By the way, I'm so egzoited na kasi malapit nang mag December at makakapiling ko naman si Pogz ko... Hihihihi... Aside from that, syempre dahil may 13th month pay... ang saya-saya pag may extrang pera di ba? hihihi... makakabili na ako ng beauty tips para sa kikay kit ko... toinkz... hehehe.

Kanina lang, sinumpa ko talaga ang MRT, feeling ko nagkalasog-lasog ang katawan ko dahil sa sobrang siksikan... mabuti sana kung puro mga gwapo ang kadikitan ko... deym... ayoko nang magsalita... hehehe... yong mukha ko pa talaga natapat sa kilikili ni koya na naka high 5... kalowka!!!!! Well, no choice na ako, kelangan kong samahan ang friend ko kasi magka-canvass kami sa bibilhin nyang iPhone 4s...

Pagdating ko sa bahay, nag operation linis ako... At dahil na miss ko si Pogz, ti-next ko sya...

Juan: Pogz Pogz ko... :(, (dapat may sad emoticon talaga.. hihihi)
Pogz: Kakain pa lang kami pogz... gutom na ako... :(
Juan: Ok Pogz, dapat mabusog ka... What time ka uuwi? Nakaligo na ako. hihihi
Pogz: Nakakalahati pa lang kami sa ini-encode pogz...
Juan: Mag o-overnight ka na naman dyan sa office nyo pogz?
Pogz: Yep yep...
Juan: Huhuhu..I'm so ready na. Nakaligo na ako. Nakapag toothbrush na. Nagmumog na ako ng feminine wash...tapos..... huhuhu
Pogz: Landi... Kumakain ako...
Juan: Hehehe

Yan ang resulta pag umaandar ang tupak ko... Hahaha...

Nanyt sa lahat.... matutulog na ako... :) mwuah...

Thursday, November 1, 2012

Libog

Ano ba yan? Halloween na halloween, "libog" ang title ng post. hehehehe.

Let's define libog...

Libog is a by product of boredom especially during undas. Anong konek? hindi ko rin alam... hahaha. Anebenemen kasi ang mahal ng airfare pauwing probinsya. Kaya tuloy dito na ako sa manila magtirik at magpatirik ng kandila. hehehe.

Oy a, natuwa lang ako sa salitang libog ah... kasi ba naman iba ang ibig sabihin ng "libog" sa mga bisaya at sa "libog" ng mga tagalog.

Sa bisaya kasi, pagsinabing "nalibog" ibig sabihin, "nalito". Wholesome di ba? Kaya pag sinabi kong "nalibog ko"... wholesome yon ayon sa aking understanding.

Sa tagalog naman... alam nyo na yon... hehehe...

Natuwa din ako sa mga chatrooms na hindi wholesome.. ahihihi... kasi kadalasan may nagsasabing, "taglibog ngayon"... Kaya naisip ko na wow naman, tatlo na ang klima ng pilipinas... tag-init, tag-ulan at taglibog... later ko na napag-alaman na pwedeng isabay si taglibog sa tag-init lalung-lalo na sa tag-ulan... :)

Ano ba tong pinagsasabi ko... pero oy a... hindi ako taglibog ngayon... halloween e... wala ako fetish sa mga ghost at lalong hindi ako necromancer... ahihihihi...

O sya, tama na to... manonood na ako ng "A Beautiful Affair" sa www.iwanttv.com.ph... parang maganda ang story e... kasisimula pa lang noong monday...

Njoy kayo sa pangangaswang... mwuah...

Wednesday, September 26, 2012

Diet...

At dahil masarap magluto si Pogz nong kamiy nagtanan for two months (tanan talaga... hehehe), bunggang bungang bungbung ang paglobo ko...
"Waaa, ayoko na... super taba na ako Pogz... kasalanan mo to.", syempre linya ko yan.
 "Gusto ko nga yan para wala nang titingin sa'yo para sa akin ka lang." sagot nya.
Hamakinz nyo, ginawa akong patabaing baboy para malahian eh ang pwede lang namang mangyari sa amin ay sore throat at sore something... hehehe... kelanman hindi magso-sore ang matres ko... hahaha... kainis...

Idagdag nyo pa ang halos gabi-gabi naming pag ano... yong pagbali ng coke sa kabilang kanto usually every 10pm... isang litro tapos kami lang ang lalaklak... hahay... :(

Kaya eto, mega diet ako...

Idagdag mo pa ang immoral support ni Ley... (excerpt from our SMS exhange)

Juan: Nilibre ako kanina ng boss ko ng Krispy Kreme.
Ley: So goodbye diet na?
Juan: Hindi naman, 1 donut lang naman kinuha ko though may option ako na pwedeng kumuha kahit tatlo.
Ley: Pa as if ka pa... hahaha
Juan: Gaga ka. Diet is a serious business for me... hahaha
Ley: Paano kung may LASWA** at tuyo? Tapos mainit na kanin. Tapos yong laswa merong sahog na hipon?
(**Laswa by the way is an ulam. Paano ko ba i-explain... basta gulay yan na may talong, okra, saluyot, bamboo sprout, minsan may sweet corn pa... na pinakuluan sa tubig na ang resulta ay malapot lapot na sabaw at masarap ito lalo na kung mainit)
Juan: Hmmm, 1/2 cup rice para sa tuyo. Tapos lalantakan ko ang laswa kahit wala nang kanin.
Ley: Papano kung may yummy yummy at crunchy crunchy na balat ng lechon baboy?
Juan: Hmmm... mapapatay ko ang ka-txt ko ngayon. hahaha.

At dahil sa text namin na yon, ginutom sya... hahaha...

Tuesday, September 18, 2012

2nd Monthsary

Hi sa lahat. Tagal ko ring nawala. Enebenemen at na-assign ako sa bulubundukin ng mindanao. Kaya miminsan lang maka-internet. Pero feel na feel ko rin naman na ma-assign doon kasi nakasama ko si Pogz ko 24/7 for almost 2 months. Actually 5 days na lang ang kulang at mag 2 months kaming parang siamese twin. jowk... hehehe

August 8, 2012, 2nd monthsary namin ni pogz. And to celebrate our monthsary, bumili ako ng 1 gal na selecta ice cream. Ice cream lang kasi coins na lang naiwan sa bulsa. Hehehehe. At dahil favorite nya ang cookies and cream at gusto ko rin yong may mga nuts nuts churva, Selecta Double Overload ang binili ko. Double Dutch at Cookies and Cream na kasi. Kaya happy ang lahat.

Pagdating ko sa bahay, iniwan ko lang ang bag ko sa room at deritso na ako sa kusina para ilagay sa ref ang ice cream at saka andon din si Pogz na nagluluto ng hapunan namin. Tinanong nya ako kung may nakita ba ako sa room. Sagot ko naman na wala kasi madilim ang room. Sabi nya naman na i-check ko daw. Kaya ayon, egzoited ang yagit. At eto ang nakita ko...


deym, hindi ko inexpect ang ganito... i was so kilig and blushing. hihihihi... super effort na yan ha. simple yet touching... hehehe

Habang kumakain kami ng ice cream:
"Pogz, mag-break tayo sa August 14.", sabi ko.
"At bakit mo naman naisip yan", tanong nya.
"Break tayo sa August 14 mga 11:59 ng gabi tapos ON ulet tayo pag 12:00midnight ng 15. Para every monthsary natin marami pa tayong perang panghanda dahil bagong sahod.", sagot ko.
"Ayan na naman yan out of this world mo na idea.", sambit nya na naka-smile.
Hehehe, ganyan ako kapraning. toinkz. Kaya minsan, feeling ko nakukulitan na sya sa akin. Tinatawag nya nga akong "kiti-kiti". hehehe.

I just love him so much at ayaw kong palampasin ang isang araw para iparamdam at sabihin sa kanya kung gaano ko sya kamahal. (Kumu-corny na ako... hehehe)

Thursday, July 12, 2012

Problema...


Juan:    May malaki akong problema pogz… L huhuhu

LJ:       Ano yon pogz?

Juan:    huhuhu... feeling ko in love na ako masyado sa’yo... huhuhu

LJ:       Adik.. Hahaha i love you pogz.. mwaaahhh

Juan:    Tawanan pa talaga ako... huhuhu L

LJ:       Gusto ko yang nararamdaman mo para sa akin pogz... hehehe

Juan:    Tapos super in love na ako sayo... tapos jerjerin at buntisin mo ako... tapos iiwan... huhuhu... Hindi ko kaya... L

LJ:       Hahaha.. Baliw ang pogz ko... Adik ka talaga.. hahaha

Juan:    Hindi ko kaya ang mabuntis pogz ko... huhuhu

LJ:       Gagamit tayo ng condom pogz... hehehe

Juan:    huhuhu. Adik ako pogz ano?

LJ:       Opo pogz, Adik ka. I love you my pogz ko..

Juan:    Hehehe… I love you too pogz ko… J

----------------------------------------------

at dahil dyan, ipagpatuloy ko na ulet trabaho ko... hehehe...