Tuesday, September 27, 2011

My Boo... how we met...

Living a mediocre life, it is never my game to meet people outside my circle of friends. If i meet a new one, it would be from work or a friend of a friend.

I have a kaharutang friend in the office who will be resigning. And the company hired a new one to fill my friend's position. Hmmm... let's name this new employee Tony.

Tony is a fresh graduate. And a cocky one. Maybe he is just confident because as to what i knew, he's an officer in their college, thus giving himself a confidence. But one thing i remembered about him was when he smile. He has a "black teeth" maybe due to bad oral habits or due to cigarette smoking. And me being so frank, I guess i told him once to have it done with the dentist. Yeah, sometimes i get rude. But i see to it that he won't be embarrassed in front of other people.

At first i did not notice him, what i remembered was during our company activity, he made an effort to join my group of friends in the company. And to add some information, my other friend did not like the aura of this guy since my friend always seen him smoking. But then, since we always meet in the merienda area, we befriended Tony.

The next thing i remembered about him was when he got hospitalized due to UTI. That was October 22, 2006. I guess that was after he took the Civil Service Exam and he failed becoz he was not really feeling well. Me and my friends planned to visit him in the hospital. But then, we didn't know where to hospital to go. So, i asked his number from my other friend and i sent an SMS to Tony asking him the hospital and the room number. After having dinner with my other three friends, we visited Tony in the hospital. He's mother was there as his companion. And "us", were making fun out of everything. Ang iingay namin sa hospital. Partida pa kasi nakabayad pa ako ng 50 pesos para sa gamot niya. Hehehehe.

And that's when me and Tony started texting. From simple text forwarding to many sleepless nights of texting...


what this picture has got to do? hmmmm... this is me... i took this picture after i arrived from visiting Tony in the hospital.... hehehehehe

Saturday, September 24, 2011

Emotional State

It is so hard to explain... it is so hard to convey to you how i am feeling now... please do listen/watch the video below that sums up my current emotional state...



:(

Monday, September 19, 2011

My Boo

in the next few weeks, months... i don't know how long will it be... i'll be writing my last sequence of stories in this blog...

Friday, September 2, 2011

Good Deed? Ako na ang mabait...

Ligo. Bihis. Pabango ng konti. Labas ng bahay papuntang MOA.

Habang nag-aantay ako ng bus na aircon (ayoko muna sa jeep, mainit e... hehehe), sumakit ang tyan ko. Tinanong ko ang sarili ko... Kaya ko pa bang mag muscle control or not? At bilang sagot sa aking katanungan... kaya ko pa pero ayokong mag gamble... kaya uwi ulit sa bahay para magdeposito sa banko. Makakahintay pa naman siguro ang kaibigan ko na nandoon na sa MOA.

After my bank transaction sa bahay, balik ulit ako sa EDSA para mag-antay ng bus papuntang MOA. At hindi rin naman matagal ang paghihintay ko at nakasakay kaagad ako sa airconditioned bus papuntang MIA na dadaan ng MOA (ang daming explanations.. hehehe).

Umupo ako sa tatluhan. Sa gitna ako ng dalawang pasahero. Habang papalarga ang bus, tinanong ako ng katabi kong babae,

"Malayo pa ba ang MOA?", tanong nya.
"Malapit na po, doon po sa may malaking globe.", sagot ko.
"Pupuntahan ko kasi ang pamangkin ko na nagtatrabaho sa MOA. Pero hindi pa ako sigurado kung doon pa sya nagtatrabaho.", dugtong nya.
"A ok.", maiksi kong sagot.

At doon na nagkwento si Lola. Yup, matanda na po sya. tantya ko mga lampas 70 na sya. Kwento nya na taga Bacolod sya. At dahil alam ko na ang mga taga-bacolod ay mga Ilonggo, at dahil ilonggo din po ang inyong likod, nakipag-usap ako sa kanya using our malambing na dialect.

Kwento nya na inihatid nya daw ang anak nya sa airport kasi babalik na sa New Zealand para magtrabaho. At sa Pampanga sila nakikituloy ngayon pero uuwi na rin sya kinabukasan sa Bacolod. Unfortunately, na-snatch ang wallet/pouch nya habang nagbabayad sya sa jeep galing airport papuntang terminal pa-Pampanga. Kasama sa pouch, na na-snatch ng kasing edad ko daw, ay ang kanyang cellphone at pera na almost 7 thousand kasama na ang ibang pera in foreign currencies.

Kung bakit kasi mang-snatch pa di ba? Pwede naman siguro silang maghanap ng matinong trabaho. Easy money kasi ang gusto nila. Hahay. Kawawa naman si lola.

Kaya ang ginawa ni lola, pumunta na lang sya sa distant relative nya rin na nagta-trabaho sa SM-Makati para humingi ng tulong. Kaya lang hindi rin sya mapapahiram ng pera nong relative nya kasi kasalukuyang sya ang tumataguyod sa mama nya na may breast cancer. Kaya binigyan lang sya ng relative nya ng sampung piso para pamasahe papuntang MOA para mahanap ang pamangkin nya.


"Paano po kung wala na doon ang pamankin nyo?", tanong ko.
"Sabi nong relative ko pwede naman daw akong matulog doon sa Baclaran Church.", sagot nya.

As in whoaaat? (sa isip ko lang). Ganon kawalang sympathy ang relative nya? Kaya tinanong ko si lola.
"Magkano po ba ang pamasahe pauwing Pampanga?"
"Mga 200, senior citizen naman ako, may discount.", sagot nya.
Napaisip ako and i was weighing the odds. Magkano lang naman ang 200 bakit hindi ko na lang sya bigyan. Pero sa time na yon, wala pang sweldo. At super tipid ako that time parang 500 na lang ata natira sa ATM ko. At may limang araw pa akong hihintayin para sweldo time na. Kaya sabi ko sa sarili ko na bahala na. Pwede naman siguro akong manghiram na lang muna kung hindi na kaya sa matirang pera. Kaya gow na. Swim na sa kahirapan matulungan lang si Lola.

Kaya sinabihan ko si lola na bigyan ko na lang sya ng 200 para hindi sya mahirapan sa paghahanap. Laking pasalamat ni lola. Hulog daw ako ng langit. Kasi nag-pray daw sya na si Lord na lang ang bahala sa kanya. At mangiyak-ngiyak sya. Kaya pagdating namin sa MOA, nag withdraw na ako ng 200 para ibigay kay lola. Matapos kung ibigay ang pera, hiningan nya ako ng number. Sabi ko na wag na lola, ok na yan. Pero pinilit nya talagang makuha ang number para mapasalamatan man lang daw ng anak nya at sinulat ko na sa tissue ang number ko.

Sabi ko sa kanya na samahan ko na sya sa paghanap sa pamangkin nya pero sabi nya na huwag na lang daw. Kaya sabi ko na mag-ingat na lang sya. At nagbeso-beso na kami (feeling close... hehehehe). At dumeritso na ako sa food court ng MOA para puntahan ang naghihintay kong kaibigan na nauna nang kumain dahil gutom na sya.

Nangyari ito April this year.

Pero hanggang ngayon (September 2011), wala man lang akong na receive na text or tawag galing sa kanya or sa anak nya. Hindi naman sa naghihintay akong mapasalamatan, ang sa akin lang e malaman na ok sya at nakarating sya ng Pampanga na safe.

Kaya naisip ko tuloy:

Was i meant to go back sa bahay para magdeposito upang makasabay ko si lola sa bus?
Did i do a good deed?

or Naloko lang ako ni Lola?...


Kaya iniisip ko na lang na whatever ang intention ni Lola, sana nakatulong ako sa kanya kahit sa konting halaga man lang. Bahala na si Bathala sa kanya.

Sana safe si Lola.

Thursday, September 1, 2011

Kitchen Musical - Boom Boom Pow

I'm gonna watch out for this..

Studio 23 (Philippines) - Every Sat 19.30 — 20.30
Debut 8 Oct 2011
*The first episode will also be aired on ABS-CBN


Side Story... Boss [Conclusion]

ending of:
Side Story... Boss [1]
Side Story... Boss [2]

Side Story... Boss [3]

Side Story... Boss [4]

There should have been a Side Story... Boss [5] kaya lang medyo tinamad ako... kaya yong ending na lang... hehehehehe... kaya heto na...

After sumakit ang puson ko... (like nong pinalabas ko sa bahay e parang sago na buo-buo.. hehehe), nagpatuloy ang pagflirt flirt namin ni Sir Boss. Meron habang nagme-meeting kami e pasimpleng hipo hipo sa binti sa ilalim ng mesa at iba pa... Pero promise, once lang talaga na nag swimming kami sa sarap ng sinabawang gulay.

Bakit?

Kasi medyo lumaki ang ulo ko. At napagtanto ko na hindi healthy na makarelasyon mo ang iyong Boss. Natatakot din ako na baka mabuking kami at paano na lang ang career ko. Kaya nong tinanong nya ako kung ipagpatuloy pa namin ang aming landian, sinabi ko na hindi na. Medyo na hurt si Sir Boss kaya gumanti sya.

Sa team namin, parang ako ang ginawa nyang lider-lideran. Pero dahil sa pagkalas namin, biny-pass nya na ako. Ang palagi nyang kinukunan ng updates ay si Alex na. Medyo na-hurt ang ego ko pero choks to go na lang. Sya naman ang boss e. Bahala sya sa sarili nya. Basta gagawin ko na lang ang trabaho ko.

Medyo matagal din bago bumalik ang healthy employee-employer relationship namin. Dumaan ang mga araw, at hindi na namin napag-usapan yon. Medyo naging close pa nga kami kasi alam nya na alam ko na his secrets are safe with me at naiintindihan ko ang pagkatao nya na people like us. Hehehehehe.

Minsan isang gabi, hindi ako makatulog. At dahil sa panahong yon ay hindi pa ako makakabili ng laptop or desktop man lang, at kung feel kong mag-internet e sa internet cafe talaga ako pumupunta. E nagkataon na ang pinakamalapit na internet ay pagmamay-ari ng kapatid ni Sir Boss kaya gow na ako... at baka maka-discount pa ako. Hehehehe.

Kaya ayon, rent.. browse browse... ym ym... punta sa chatroom.. chat chat... e wala masyadong matinong maka-chat kaya close ko na lang ang chatroom... browse uli sa friendster at kung ano-ano pa. Biglang may nag-chat sa akin... ASL daw. Sagot naman ako. Pero sagot na walang gana. Kaya tanong dito, sagot doon. Hanggang sa ginanahan na akong makipag chat sa kanya.

Tinanong ko kung meron ba syang webcam. Sagot nya naman meron daw. Pero ayaw nya munang i-open kasi nasa kwarto nya ang bunsong kapatid nya. Ok lang naman sa akin. Hiningi ko sa kanya e-mail address nya kasi may-ifo-forward akong e-mail. Send ako ng e-mail. Nag mailer daemon. In short, mali ang binigay nyang e-mail address. Send ako ulit. Bounce ulit.

Kaya chat chat pa din. Tinanong nya ako kung anu-ano na daw ang mga experiences ko. At ang sinagot ko naman na nakarelasyon ko ang Boss ko. Ang tapang ipagsabi di ba? Total hindi nya naman ako kilala at mas lalong hindi nya kilala boss ko... Kaya halos lahat ng details sinabi ko. Kiss and tell ang dating. E sa gusto kong i-share e.... hehehehehe....

And it dawned on me... ohh shit... baka kapatid ni Sir Boss ang ka-chat ko!!!! Oh damn, pwede kasing mag install sila ng spy software at pwede nilang makita ang nakadisplay mismo sa screen mo. Pero nagdadalawang-isip ako. Sabi ko sa sarili ko na hindi naman siguro. At hindi naman mukhang dugong berde ang kapatid ni Sir Boss. Chat pa rin ako. Pero gumana ang spy instinct ko. At talagang nagdududa ako. May tinanong ako sa ka-chat ko. Na tamang-tama naman na may nagpa-print don sa kapatid ni Sir. Hindi pa sumasagot ang ka-chat ko that time. Kinabahan na ako na baka tama ang hinala ko. After printing at bumalik na si Kapatid sa table nya... and alam nyo na...... waaaaaaaaaaa... sumagot ang ka-chat ko!!!!!!!!!

Parang binuhusan ako ng malamig pa sa cold na tubig. Parang ayaw ko nang lumabas sa cubicle ko. Parang gusto ko nang lamunin ng lupa... (ay, wala pala ako sa ground... nasa second floor pala ako... hehehehe)

Kaya ayon... nagkaalaman na. Nahiya man ako pero pilit ko na lang nilabanan. E pareho naman pala kami ng hanap.... hahahahaha

Ayon, pinagpatuloy na lang namin ang chat, pumasok pa nga sya sa kabilang cubicle para makapag-cam lang at pinakita nya pa ang ano nya sa akin... hehehehehe.

He asked me if game ba ako. Pero hindi ako kumagat. Gustuhin ko man pero parang nahihiya pa talaga ako. hehehehe. At that time, virgin ulit ako.... hahahaha...

Kinabukasan, tinanong ako ni Sir Boss kung saan daw ako nag-internet at may nakakita daw sa akin... hahahahahaha... alam na!!!!!

Ngayon, medyo close pa rin kami ni Sir Boss. When he's with me, he can be kung ano talaga sya. Minsan pa nga dinala nya ako sa Hilom... doon sa may QC... hehehehe... treat nya ako... hehehehehe (and it would be another blog post. mahaba na to e... hehehehe)